By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 13,
2015) ---Inilatag ng Municipal Engineering Office ang mga proyekto ng PAMANA
katuwang ang LGU Kabacan sa ibat-ibang barangay sa bayan na sabayang
ituturn-over sa darating sa buwan ng hunyo.
Ayon kay Kabacan Municipal Engineer
Noel Agor sa panayam ng DXVL News, karamihan sa mga proyektong ito ay tapos na
at malapit na ring matapos ang iba.
Anya ang nasabing mga proyekto ay ang
mga sumusunod:
Mula
sa PAMANA ARA:
Solar
driers
Brgy.
Katidtuan – P300,000
Brgy.
Kilagasan – P300,000
Brgy.
Sanggadong – P300,000
Brgy.
Simbuhay – P300,000
Multi
Purpose Buildings:
Brgy.
Bannawag – P300,000
Brgy.
Cuyapon – P300,000
Brgy.
Dagupan – P300,000
Brgy.
Upper Paatan – P300,000
Brgy.
Malamote – P300,000
Mula
naman sa pondo ng PAMANA DAR
Farm
to Market Road:
Brgy. Sanggadong – Bangilan – Pisan – na may nakalaan pondong
mahigit P5,800,000 na kung saan ang
P5,000,000 ay mula sa PAMANA DAR at ang nalalabing pondo at counter part
ng LGU Kabacan.
Mula naman sa Pondo ng Economic
Development Fund ng LGU:
Brgy.
Bangilan Barangay Hall Renovation – P446,959.20
Brgy.
Dagupan Perimeter Fence – P487,013
Brgy.
Salapungan Hanging Bridge – P300,000
Brgy.
Lower Paatan Solar Drier – P300,000
Brgy.
Malamote Barangay Hall Renovation – P300,000
Samantala, inihayag din ng opisyal ang
pagsisimula iba pang mga proyekto na dalawang linggo mula ngayon na mula parin
sa EDF, ito ay ang mga:
-road rehabilitation sa Jose Abad Santos St., Kalye
Putol sa likorang bahagi ng munisipyo - P1,260,000
-road rehabilitation sa Malvar – Bonifacio, Aniñon St. -P830,000.
-Brgy. Magatos Solar Drier - P300,000
-Brgy. Kayaga proper Basketball Court - P300,000.
Sa hiwalay naman na panayam kay Kabacan Mayor Herlo P.
Guzman Jr. na patuloy ang kaniyang ginagawang paglilibot sa naturang mga
proyekto upang imonitor ito.
Patunay umano ito na meroong mga programang
naipaparating sa ilalim ng kanyang administrasyon at patuloy pa itong
magpapatupad ng mga proyekto na kung saan ay magiging daan sa pag-unlad ng
bayan at kanya itong ipapaalam sa mga mamayan dahil kailangan nila itong
malaman.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento