By: Mark
Anthony Pispis
Photo by: Benjie Caballero
|
Ito ang inihayag ni North Cotabato
Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL News.
Anya, sa kabuuang resulta ng nasabing
aktibidad ay nakuha ng Region 12 ang pang walong pwesto.
Ang North Cotabato na isa sa mga
representante ng rehiyon dose ay nakakuha ng 5 gold medals, mula sa larong
Taekwondo at Table Tennis, 9 na silver medals mula sa ibat-ibang mga laro, at
13 mga bronze medals mula sa larong Softball, Taekwondo at Table Tennis.
Dagdag pa ng opisyal na 49 sa mga
manlalaro mula rehiyom dose ang mula sa lalawigan.
Inihayag din ng opisyal na nasa
makakatanggap ng tig P10,000 ang mga atletang nakakuha ng mga gold medals, tig
P8,000 naman sa mga manlalaro mula sa probinsiya na nakakuha ng silver medals,
at tig P5,000 naman sa mga atletang nakakuha ng mga bronze medals.
Binigyang diin ng opisyal, na handog
ito ng mahal na gobernadora Lala Taliño Mendoza sa mga atletang mula sa
lalawigan na nagpamalas ng angking galing sa Palarong Pambansa.
Patunay umano ito na ang probinsiya
ay hindi nagpapahuli sa larangan ng Sports.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento