By:
Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Tiniyak
ng pamunuan ng Therma South Incorporated, isang power generation sa Mindanao na
pag-mamay-ari ng Aboitiz Power na papasok na sa susunod na buwan ang kanilang
150 Megawatts na supply ng kuryente sa Mindanao grid.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Aboitiz Power
Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo.
Ngayong buwan sana papasok ang unang unit ng
planta, pero nabalam ito matapos ang nangyaring malawakang brownout sa buong
Mindanao noong Abril a-5.
Sa ngayon nagpaptuloy ang synchronization at
decommissioning process ng isang unit ng TSI at kung walang aberya na
mangyayari ay maibibigay na nila ang 150MW.
Umaapela naman si Rodolfo sa mahigit
dalawampung mga distribution utilities kasama na ang Cotelco na naka-kontrata
sa kanila na pag-hati-hatian nalang muna ang unang 150MW na i-dedeliver na
supply ng kuryente.
Ibigsabihin nito, makukuha na ng mga
kooperatiba ang 50% na kontrata nila sa TSI at posibleng mabawasan ng kunti ang
mahabang brownout sa Mindanao, lalo na sa service area ng Cotelco.
Samantala, napag-alaman na ang Mindanao ay
largely dependent on hydroelectric power na bumubuo ng 52 percent ng generation
mix nito.
Ang ibang sources ay geothermal, power barge
at maging ang bunker fuel-fed power plants.
At ang pinaka-source ng hydroelectric power
ay ang Pulangi River sa Bukidnon at ang Lake Lanao sa Marawi City.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento