By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 14,
2015) ---Inaasahang magbibigay ng sapat na supply ng kuryente sa buong service
area ng COTELCO ang pagpasok ng Therma South Incorporated o TSI sa ngayong
darating na June o July 2015.
Ayon kay COTELCO Spokesperson,
Vincent Bagiuo sa panayam ng DXVL News, 10 megawatts umano ang naka-kontrata sa
nasabing kompanya.
Dagdag pa ng opisyal, ang buong
service area ng COTELCO ay kumokonsumo ng 34 megawatts at ang kanilang
naiibigay lamang na supply ay nasa 22-23 megawatts.
Umaasa naman ang opisyal na hindi
muling magkakaroon ng problema kagaya ng nangyari total black-out sa Mindanao
noong April 5 na kung saan ay lubha ring naapektuhan ang powerplants nang TSI
na makakapasok na sa sana sa COTELCO.
Nabatid na ginagawa naman umano ng
COTELCO ang lahat ng kinakailangan upang makapasok na ang TSI at ma-withdraw na
ang power supply na ibibigay ng nasabing kompanya upang makapagbigay na ng mas
magandang serbisyo sa kanilang mga konsumedores.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento