By: Rhoderick BeƱez
(North Cotabato/ May
13, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang ama-amain matapos arestuhin ng mga
otoridad makaraang maaktuhang hinahalay ang kanyang menor de edad na
anak-anakan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Mismong ang ina ng
biktima ang nakakita sa panghahalay na ginagawa ng kanyang live-in partner na
suspek na kinilalang si Eduardo Pastella.
Pumasok ang ito sa kanilang
bahay paras utusan nito ang anak ngunit laking gulat niya nang makita nito na
nakapatong na ang live-in partner nito sa anak.
Kaagad humingi ng
tulong ang ina sa mga kapitbahay at sa Pikit Municipal Police Station para
ipahuli ang kanyang kinakasamang suspek na 42-anyos.
Batay sa ulat biktima,
ilang beses na umano siyang ginagahasa ng suspek pero binantaan na papatayin
kung magsusumbong siya sa kanyang ina.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento