Writer: Sarrah Jane A. Corpuz-Guerrero
(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Ang Malamote ay isa sa dalawampot apat na barangays dito sa bayan ng Kabacan. Ito ay may isang libo siyam na raan limam pu o apat na porsyento ng kabuoang populasyon ng Munisipyo.
Isa itong Rice Farming
Community at tanyag dahil sa kanilang pagpapatupad ng katarungan sa loob ng
barangay sa pamamagitan ng kanilang Lupong Tagapamayapa.
Taong 2014,
nakapagtala ang Lupong Tagapamayapa ng labing pitong kaso ng kriminal at pitong
kaso naman ng sibil.
Dahil sa ipinakitang kahusayan ng Barangay Malamote
sa aspetong katarungang pambarangay, taong 1998, ibat-ibang mga parangal at
pagkilala na ang tinanggap ng Lupong Tagapamayapa nito.
Simula taong 2013,
naging first runner-up ang Barangay Malamote sa buong rehiyon dose para sa
Search for Outstanding Lupong Tagapamayapa ng Department of the Interior and
Local Government.
Para sa taong 2014, sa apat na mga kwalipikadong mga kalahok
na Munisipyo sa buong Region XII, pumapangalawa ang Barangay Malamote na may
over-all performance rating na 98.00% o Outstanding.
Ang Lupong Tagapamayapa ay isang
Administrative Body na inoorganisa sa
bawat barangay na naaayon sa Local Government Code of 1991 na naglalayon gawing
functional ang Barangay Justice System o mas kilala sa tawag na Katarungang
Pambarangay.
Ito ay binubuo ng Punong Barangay at mayroon
itong sampu hanggang sa dalawampong miyembro na pinili ng mga tao sa barangay
kada tatlong taon.
Ang Pangkat ng Tagapagkasundo ay mula naman sa Lupong
Tagapamayapa na mayroong tatlong miyembro na siyang magpapatuloy na resolbahen
at ayusin at pagkasunduin ang nagrereklamo at inirereklamo.
Ang malaking katanungan dito, gaano na nga ba
kahanda ang bawat barangay ng Kabacan sa pagbibigay ng patas na katarungan?
Sa
dalawampot-apat na barangays nito, ilan na nga ba ang may organisado at
functional na Lupong Tagapamayapa? Gaano ba kahalaga ang papel ng Lupong
Tagapamayapa at ang mga limitasyon nito sa pagkilala sa karapatang pangtao?
AKO SI KA-UNLAD SARRAH JANE CORPUZ-GUERRERO
ITO ANG DXVL SPECIAL REPORT.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento