Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Truck ng Negosyante, sinunog ng mga armadong grupo

FB: A. Francisco

By: Christine Limos


(Arakan, North Cotabato/ May 10, 2015) ---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman sa extortion ang nangyaring pagsunog sa truck ng isang negosyanteng sa bayan ng Arakan, North Cotabato alas 2:25 ng madaling araw nitong Sabado.

Sa ulat na nakuha ng DXVL News kay PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP nakaparada lamang umano sa harap ng bahay ni Melchor Rivera Anarna, 62 anyos, may asawa at residente ng Poblacion, Arakan ang truck nang sunugin ng mga suspek.


Sa kasalukuyan patuloy pa ang imbestigasyon ng Arakan Fire Station at Arakan PNP sa motibo ng naturang insidente.

Wala pang grupo na umako sa nasabing krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento