By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ May 14,
2015) ---Isinagawa ang public hearing hinggil sa ordinansang magpapatupad ng
forced evacuation sa panahon ng sakuna sa bayan ng Kabacan na ginanap sa
Kabacan Municipal gymnasium kahapon.
Ayon kay Sangguniang Bayan member
Councilor Rhosman Mamaluba na siyang may akda sa nasabing ordinansa sa panayam
ng DXVL News, ito ang kanilang nakikitang solusyon para maiwasan ang casualties
sa panahon ng sakuna.
Inihalimbawa pa ng opisyal ang
nagdaang pagbabaha sa Kabacan kungsaan ilan sa mga residente ng Kabacan
partikular sa Plang Village sa Brgy. Poblacion at sa Sitio Abpa ng Brgy. ng
Kayaga ay ayaw lisanin ang kanilang pamamahay kahit lubog na ito sa tubig baha.
Dagdag pa ng opisyal, alinsunod umano
ang nasabing ordinansa sa layunin ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo
Guzman Jr. na walang masasaktan o maitatalang casualties kapag may darating na
sakuna sa bayan.
Nagpasalamat naman ang lokal na
mambabatas sa positibong tugon ng mga residente sa nasabing ordinansa
partikular na ang mga Brgy. Officials sa isinagawang public hearing kahapon.
Giit pa ni Rhosman, na maari na itong
talakayin sa unang pagbasa sa sanggunian sa susunod na regular na session ng
SB.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento