(Kabacan, North Cotabato/ May 14,
2015) ---Kinumpirma mismo sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Cotelco Spokesperson
Vincent Baguio na dalawang oras o mahigit pa na power interruption ang kanilang
ipinapatupad sa bawat load curtailment na kanilang isinasagawa sa kanilang
service area.
Ito makaraang magpalabas ng advisory
ang STEAG State Power Incorporated, isang coal fired-power plant na naka base
sa Ozamiz ng unplanned stoppage order ng operation sa kanilang unit 2.
Dahilan kung bakit off-the-grid ang
105MW.
Bagay namang mas humaba ngayon ang
brown-out sa Mindanao kasama na ang Cotelco, giit pa ni Baguio.
Nabatid rin mula sa opisyal na ang
nasabing power plant sa Ozamiz ay nangako naman umano na maibabalik ang
kanilang linya ngayong araw at inaasahang bukas, ay nasa grid na ang 105MW at
posibleng maibsan ang ipinapatupad na power black out ng cotelco, ayon kay
Baguio.
Sa kasalukuyan umaabot sa 32 hanggang
34 ang load deman sa buong service area ng cotelco, pero ang pinapa-maintain ng
NPC-PSALM at ng NGCP sa kooperatiba ay abot lamang sa 22-24MW.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento