by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North
Cotabato/ May 13, 2015) ---Umaabot na ngayon sa 41 na kaso ng Sexually
Transmitted Infections o STI ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan nitong
Buwan lamang ng Abril.
Sa datos na nakalap
ng DXVL News mula kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na
karamihan sa mga naitalang may sakit ay ang mga babaeng edad 21-30 anyos.
25 kaso dito ay ang
syphilis habang 16 na kaso naman nito ay ang Hepatitis B.
Sa North Cotabato,
kabilang sa mga lugar na naitala ang kaso ay ang Carmen, Kabacan, Matalam,
Kidaapwan City at Pikit.
Ang bayan ng Pikit
ay nakapagtala ng 12 kaso na pinakamataas.
Habang may naiulat
din sa bayan ng Pagagawan sa lalawigan ng Maguindanao.
Payo naman ng RHU
Kabacan sa mga may nabanggit na sakit na magpatingin sa kanila ng regular.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento