By: Sarrah Jane Corpuz Guerrero
(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2015) ---Sa
katatapos na isa at kalahating araw na Wemboree: Changing the Mindset from me
to We, isang activity na pinangunahan ng Department of the Interior and Local
Government Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Ali B. Abdullah,
matagumpay na ibinahagi ng mga partisipante mula sa Kabacan ang kanilang mga
natatanging talento magmula sa pag-awit, pagsulat, paglikha ng sariling
komposisyon, sining at iba pa.
Itinaghal at nanguna si Mr. Neil Jardy Buenaluz
sa Jingle Making Contest at Best Camper para sa kategoryang Rehabilitation
samantalang naging best Reporter/presentor naman si Mr. Ruben Tagare ng USM.
Ang nasabing activity na isinagawa noong May
6-7, 2015 sa Spottswood Methodist Training Center, Kidapawang City, ay parte pa
rin ng Operation Listo ng DILG, isang adbokasiya na naglalayong palakasin pa
ang commitments ng Lokal na Pamahalaan sa pagresponde sa ibat-ibang kalamidad.
Samantala, ang Wemboree ay isang pagtitipon ng mga kabataan mula sa ibat-ibang
sector nito sa Cotabato upang bigyang halaga ang kanilang mga mahahalagang
papel sa usaping Disaster Management and Preparedness.
Ibat-ibang mga paksa at gawain ang naging
sentro ng nasabing wemboree gaya ng malalim na diskusyon hinggil sa papel ng
mga Kabataan sa pagpapataas ng kapasidad
ng kanilang mga komunidad sa usaping disaster at pagbalangkas ng mga stratehiya
kung papaano at saan sila makatutulong sa kanilang mga komunidad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento