Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cash and In-kind nalikom ng “Oplan Yolanda, Operation Ahon” sa isinagawang caravan

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Nakalikom na ng mga kahon-kahon na pagkain kagaya ng noodles, sardinas at bigas ang isinagawang caravan kanina (November 13, 2013) ng “Oplan Yolanda, Operation Ahon” ng mga concern citizen ng Kabacan.

Ayon kay Bibo Alcala, isa sa mga organizer ng grupo na bukod sa nabanggit may mga cash na rin silang natatanggap na pandagdag para sa ibibiling pagkain para sa mga naging biktima ng super typhoon  Yolanda sa kabisayaan.

34-anyos na Magsasaka, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Patay ang 34-anyos na magsasaka habang lulan sa kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng riding in tandem assassins sa may bahagi ng Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:55 ng tanghali (November 12, 2013).

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Nakan Salapudin, may asawa at residente ng Kilangan, Pagalungan, Maguindanao.

Commitment Order sa rape suspek na taga-Matalam, North Cotabato; ilalabas na!

(Matalam, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Hinihintay na lamang ang commitment order sa rape suspek na nahuli ng mga operatiba ng North Cotabato Crime  Investigation and Detection Group sa Sitio Dimomoyong, Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato, dakong alas 3:30 Kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas Badoy ,27-anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Election gun ban violators kinasuhan na sa North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ November 15, 2013) ---Tatlo ka tao ang pormal nang nasampahan ng kaso sa paglabag ng COMELEC election gun ban sa North Cotabato sa katatapos lamang na implemtasyon kahapon (November 12, 2013).

Ito batay sa tala na ipinalabas ng North Cotabato Police Provincial Office.

Kalihim ng Barangay, tumba sa shootout; 1 sugatan

(Maguindanao/ November 15, 2013) ---Patay ang Barangay Secretary habang sugatan naman ang isa pa makaraang pagbabarilin ang mga ito ng riding in tandem pasado alas 8:00 ng umaga kamakalawa sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Kinilala ni Datu Abdullah Sangki PNP Chief of Police Insp. Blayn Lomas-eang nasawing biktima na si Ruth Elumba, Secretary ng Barangay Mao ng nasabing bayan habang kinilala naman ang nasugatan na si Annabelle Burton, Treasurer naman ng nasabing barangay.

Oplan Yolanda, operation Ahon Caravan, isinagawa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2013) ---Patuloy na ngayon ang pagtanggap ng donasyon ng “Oplan Yolanda, Operation Ahon” na inorganisa ng ilang mga concerned citizen ng Kabacan kasama ang DXVL bilang tulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa kabisayaan.
Kaugnay nito sinabi ni Bibo Alcala, isa sa mga kasapi ng grupo ang nagsagawa ng caravan noong Miyerkules (Nobyembre a-13) para tumanggap ng anumang donasyon.

Isa na namang Indian Nat'l dinukot sa Maguindanao

(Maguindanao, North Cotabato/ November 14, 2013) ---Makaraan ang dalawang linggo na pagkakadukot sa isang mall owner sa Cotabato City na si Mike Khemani, isa na namang Indian national na negosyante ang dinukot sa isang bayan sa Maguindanao alas 9:20 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Krishan Singh Arora, 54.

Ayon sa report naganap ang pagdukot sa biktima habang bumili sa Everson Flywood Company sa Brgy Landasan Maguindanao si Arora.

Suspek na nanaksak sa 50-anyos na lalaki sa Kabacan, kinasuhan na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 14, 2013) ---Naisampa na ng Kabacan PNP kamakalawa ang kasong kakaharapin ng suspek na pumatay sa isang 50-anyos na lalaki sa Kabacan.

Ito ang sinabi ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP matapos mapatay ang biktimang kinilalang si Primo Calamagan sa saksak ng suspek na si Ramil Mandil, 30-anyos at residente ng Ma. Clara Extension, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Kabacan RHU nakapagtala ng Zero HIV/AIDS

(Kabacan, North Cotabato/ November 14, 2013) Walang HIV/AIDS na sakit ang naitala sa Rural Health Unit ng Kabacan habang papatapos ang taong kasalukuyan.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Dr. Sofronio Edu, Jr. sa kabila ng mga umuugong na ulat na may ilang estudyante umano ng University of Southern Mindanao na nadale sa nasabing sakit.

Nirentahang traysicab at drayber, nawawala?

(Kabacan, North Cotabato/ November 13, 2013) ---Idinulog ng isang Ginang sa Kabacan PNP ang nawawalang kamag-anak nito mga ilang araw na ang nakalilipas matapos dinala ang nirentahang traysicab sa di malamang lugar.

Sa panayam ng DXVL News kay Ginang Thelma Carorocan residente ng Purok Aglipay, Kabacan, Cotabato na mag-iisang linggo na umanong hindi umuuwi ang kanyang kamag-anak na kinilalang si Gabriel Alfisar, 27-anyos, binata at residente ng barangay Kilagasan ng bayang ito.

City Health Office ng Kidapawan, nakapagtala ng 53 kaso ng pulmonya

(Kidapawan City/ November 13, 2013) ---Abot sa 53 kaso ng pulmonya ang naitala ng City Health Office ng Kidapawan noong nakaraang buwan.
Ito batay sa mga datos mula sa iba’t-ibang ospital sa lungsod ng Kidapawan na nalikom ng CHO.

Bukod sa pulmonya, kabilang sa mga naitalang sakit ay ang: acute gastroenteritis with moderate dehydration, Lower respiratory infection, hypertension, Urinary Track Infection, Acute gastritis, Systemic Viral Infection, Dengue, Acute Bacteremia at Sepsis neoratorum.

50-anyos na lalaki, patay sa saksak sa Kabacan, NCot; suspek, arestado

(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2013) ---Patay ang isang 50-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Ma. Clara Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Primo Calamagan, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Motorsiklo ng kolektor, natangay

(Kidapawan City/ November 13, 2013) ---Tinangay ng mga di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo ng dalawang kolektor habang kumakain sa restaurant sa Kidapawan City.

Kinilala ang mga biktima na may ari ngnasabing sasakyan na sina Ernesto Repuesto at Hannah Joy Alvarado na ipinarada lamang ang kani-kanilang motorsiklo sa labas ng restaurant subalit ilang sandali pa nadiskubre na lamang ng mga ito na nawawala na ang kanilang motorsiklo.

Ilang mga klase sa North Cotabato; sinuspende na dahil sa Bagyong Zoraida

(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2013) ---Sinuspende ang klase ngayon sa lahat ng level ng klase mula sa primary, elementary at High school sa bayan ng Kabacan maliban sa tertiary.

Ito ang inihayag sa DXVL News ngayong umaga ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., matapos na mapabilang sa signal number 1 ang probinsiya ng North Cotabato dahil sa bagyong Zoraida.

Sinabi ng alkalde na patuloy ang kanilang panawagan na maging alerto sa paligid partikular na sa mga residente na malapit sa ilog at mga low lying areas sa Kabacan.


Market Vendor ng Pikit, pinabulagta

(Pikit, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Bulagta ang isang 54-anyos na market vendor ng Pikit, North Cotabato makaraang barilin ng riding in tandem sa National High way, partikular sa Barangay Fort Pikit, Pikit, Cotabato alas 6:15 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Virgilio Cordova Caragos residente ng Poblacion ng nasabing bayan.

Pilipinas Got Talent Finalist na si Markki Stroem haharanahin ang mga Midsayapeá¹…o


(Midsayap, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Dapat umanong abangan ng mga Midsayapeá¹…os ang grand pageant night ng taunang Search for Binibining Midsayap na gaganapin ngayong darating na a-23 ng Nobyembre sa municipal gymnasium.

Ngayong taon ay pinangunahan ng PPALMA Citizens’ Alliance Against Crime and Violence o PCAACV sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ang pag- organisa ng nasabing produksyon, ito ayon sa Report ni PPALma News Correspondent ni Roderick Rivera Bautista.

Oplan Yolanda, ilulunsad ng DXVL kaagapay ang ilang mga concerned citizen ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Magpupulong ang ilang mga concerned citizen ng Kabacan kasama ang himpilan ng DXVL FM para sa ilulunsad na “Oplan Yolanda, Operation Ahon” para sa mga kababayang sinalanta ng tinaguriang Super Typhoon Yolanda. 

Pangungunahan ng ilang mga indibidwal sa Kabacan ang nasabing inisyatibo na naglalayong matulungan ang mga kababayan sa Tacloban, Samar, Capiz, Aklan at sa ilan pangmga lugar na malubhang napinsala ng Bagyong Yolanda.

Ilang mga Lumads sa Carmen, North Cotabato, nagdiwang ng kapiestahan

(Carmen, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Ipinagdiriwang ng mga lumad sa Barangay Bentangan, Carmen, North Cotabato ang masaganang ani ng mga ito at biyayang natanggap sa Poong Maykapal.

Nanguna sa nasabing kapiestahan ang Aromanon-Manuvu, isa sa mga tribo sa Mindanao na nagsasagawa ng ‘Samayaan’, isang ispiritwal na seremonya bilang bahagi ng masaganang ani.

7 katao patay matapos ma-trapped sa tunnel sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Pitong mga minero ang iniulat na napatay makaraang ma-trap sa loob ng isang tunnel sa isang barangay sa bayan ng Magpet, North Cotabato noong Biyernes (November 8).

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Jojo Flores, kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU); mga kapatid nito na sina Dionito at Jeffrey lahat residente ng Sitio Makaumpig, Purok-5 ng Barangay Temporan, Magpet.

Patay din ang tatlong mga magkakapatid na nakilalang lang sa apelyidong Senados at ang isang minero na kinilalang Catubay, residente ng Barangay Dalipe sa bayan ng Magpet.

2 arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng mga baril sa may corner ng Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 7:00 ng gabi noong Huwebes.

Kinilala ni PCinsp. Jordine MAribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Mama Andog, 25-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Marbel, Matalam, North Cotabato na nakuhanan ng 20gauge  homemade pistol na naglalaman ng live ammo habang tiklo din ang kasama nitong nakilalang si Julan Sangkilan, 18-anyos at residente ng Plang Village, Pobalcion ng bayang ito.