(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2013)
---Nakalikom na ng mga kahon-kahon na pagkain kagaya ng noodles, sardinas at
bigas ang isinagawang caravan kanina (November 13, 2013) ng “Oplan Yolanda,
Operation Ahon” ng mga concern citizen ng Kabacan.
Ayon kay Bibo Alcala, isa sa mga organizer
ng grupo na bukod sa nabanggit may mga cash na rin silang natatanggap na
pandagdag para sa ibibiling pagkain para sa mga naging biktima ng super
typhoon Yolanda sa kabisayaan.
Dagdag pa nito na ang kanilang command
center na nasa National Highway malapit sa Micuriel Resto Bar ay may mga
kahon-kahon na ring nalikom na mga damit, kumot at ilan pang mga gamit.
May mga nagbigay na rin ng gamot, tsinelas,
sabon at ilan pang mga gamit para sa kusina.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng
pamahalaang lokal ng Kabacan sa mga grupo, organisasyon at indibidwal sa bayan
na tumatanggap din sila ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Ayon kay administrative officer Cecilia
Facurib maaring dalhin ang nasabing tulong in kinds o cash sa municipal gym
kung saan ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang
nag-aacount nito.
Habang posibleng magpapalabas ng calamity
fund ang LGU Kabacan para pandagdag na tulong ng pamahalaang lokal sa mga
biktima ng nakaraang bagyo.
Posibleng sa Biyernes ay ipapadala na ng LGU
Kabacan ang nalikom din nilang tulong sa mga kababayan sa kabisayaan na ngayon
ay desperado ng mabuhay dahil sa matinding pinsala matapos tinamaan ang mga ito
ng super typhoon Yolanda. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento