Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pilipinas Got Talent Finalist na si Markki Stroem haharanahin ang mga Midsayapeṅo


(Midsayap, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Dapat umanong abangan ng mga Midsayapeṅos ang grand pageant night ng taunang Search for Binibining Midsayap na gaganapin ngayong darating na a-23 ng Nobyembre sa municipal gymnasium.

Ngayong taon ay pinangunahan ng PPALMA Citizens’ Alliance Against Crime and Violence o PCAACV sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ang pag- organisa ng nasabing produksyon, ito ayon sa Report ni PPALma News Correspondent ni Roderick Rivera Bautista.


Kaugnay nito ay inanunsyo ng Binibining Midsayap 2013 Executive Committee ang special performance na gagawin ng Pilipinas Got Talent o PGT Season 1 Finalist na si Markki Stroem.

Ayon sa komite, ang pag-imbita kay Stroem ay naglalayong pasiyahin ang mga Midsayapeṅos sa pagdiriwang ng ika- 77 anibersaryo ng bayan.

Maliban sa kanyang special performance ay haharanahin din ng PGT Finalist ang mga kandidata ng nasabing beauty contest.

Magsisilbi ring hurado si Stroem sa pageant night kung saan magtatagisan sa pagandahan at pagrampa ang mga kandidata sa mga kategoryang couture dress, playsuit, at gown.

Maliban sa pagiging mahusay na singer, nakilala rin si Stroem sa kanyang dramatic instrumental playing ng saxophone at piano.

Isa rin siya sa mga ipinagmamalaking talent ng Star Magic dahil sa angking galing nito bilang songwriter, arranger, producer, actor, modelo at direktor.


Samantala, umaasa naman ang pageant committee na magiging mainit ang pagtanggap ng mga Midsayapeno sa natukoy na bituin. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento