(Kabacan, North Cotabato/ November 14, 2013) Walang HIV/AIDS na sakit ang naitala sa Rural Health Unit ng Kabacan habang papatapos ang taong kasalukuyan.
Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Dr. Sofronio Edu, Jr. sa kabila ng mga umuugong na ulat na may ilang estudyante umano ng University of Southern Mindanao na nadale sa nasabing sakit.
Aniya, nitong mga nakalipas na taon hanggang sa huling quarter ng taong ito ay wala umanong naidulog sa kanilang tanggapan na nag-positibo sa naturang sakit.
Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon kung may mga HIV/AIDS positive man sa bayan na nagpasuri sa ibang lugar kagaya ng sa Davao city o Cotabato city ay ibabalik pa rin umano ang data sa kanilang tanggapan.
Matatandaan na noong Buwan ng Hunyo, walong mga bakla sa Cotabato City ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa isang city health officer.
Hindi naman pinangalanan ni city health officer Dr. Marlowe Niñal ang walong lalaki na nagpositibo sa ginawang pagsusuri ng Alliance Against AIDS in Mindanao.
Aniya ang walong bakla ay pawang mga nasa edad 20 hanggang 30.

Sinabi pa ni Niñal na nakakatanggap siya ng mga ulat mula sa mga impormante na nakikipagtalik ang mga biktima sa mga batang lalaki sa siyudad kapalit ng pera.
Sa kasalukuyan abot na sa 16 na kaso ng HIV/AIDS ang naitala ng Cotabato city Health Office sa lungsod mula taong 2005. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento