(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2013) ---Sinuspende ang klase ngayon sa lahat ng level ng klase mula sa primary, elementary at High school sa bayan ng Kabacan maliban sa tertiary.
Ito ang inihayag sa DXVL News ngayong umaga ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., matapos na mapabilang sa signal number 1 ang probinsiya ng North Cotabato dahil sa bagyong Zoraida.
Sinabi ng alkalde na patuloy ang kanilang panawagan na maging alerto sa paligid partikular na sa mga residente na malapit sa ilog at mga low lying areas sa Kabacan.
Nakahanda naman ang kanilang rescue team sakaling may mga di inaasahang trahedyang tatami sa bayan.
Kaugnay nito patuloy ang kanilang monitoring sa Pulangi river sa lebel ng tubig ng ilog.
Sa hiwalay na panayam kay USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang walang deklarasyon ng pagkansela ng klase sa University of Southern Mindanano ngayong araw.
Samantala sinabi naman sa DXVL ni Pikit MDRRMC Officer Tahira Kalantongan na suspendido din ang klase sa Primary at elementary lamang sa Pikit, North Cotabato ngayong araw.
Nagdeklara din ngayong araw ng kanselasyon ng klase sa elementary at high school si Mayor Joseph Evangelista sa Kidapawan City dahil sa patuloy pa rin na pagbuhos ng ulan sa lungsod hanggang sa mga oras na ito.
Una dito sa panayam ng DXVL News kay Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas na batay sa EO pinauubaya na nila ngayon ang pagdeklara ng kanselasyonng klase sa mga punong ehekutibo ng bayan.
Kaugnay nito, mas napaaga ang landfall o pagtama ng sentro ng bagyong Zoraida sa Davao mula sa unang babala na darating ito mamayang gabi.
Posibleng maitala ito bago magtanghali ngayong araw.
Pero sa North Cotabato, ramdam na rin ang pagbuhos ng ulan hanggang sa mga oras na ito.
Huling namataan ng Pagasa ang sama ng panahon sa layong 216 km timog silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur o 192 km silangan ng Davao City.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kph patungo sa hilagang kanluran.
Nakataas na ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
Cuyo Island
Northern Palawan
The Calamian Group
Siquijor
Southern Cebu
Bohol
Negros Oriental
Antique
Iloilo
Guimaras
Dinagat Province
Siargao Island
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Davao Oriental
Compostela Valley
Davao del Norte
Samal Island
Bukidnon
Misamis Oriental
Misamis Occidental
Lanao del Norte
Lanao del Sur
North Cotabato
Camiguin Island
Northern Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur
(News writer: Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento