Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 katao patay matapos ma-trapped sa tunnel sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Pitong mga minero ang iniulat na napatay makaraang ma-trap sa loob ng isang tunnel sa isang barangay sa bayan ng Magpet, North Cotabato noong Biyernes (November 8).

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Jojo Flores, kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU); mga kapatid nito na sina Dionito at Jeffrey lahat residente ng Sitio Makaumpig, Purok-5 ng Barangay Temporan, Magpet.

Patay din ang tatlong mga magkakapatid na nakilalang lang sa apelyidong Senados at ang isang minero na kinilalang Catubay, residente ng Barangay Dalipe sa bayan ng Magpet.


Ayon kay Barangay Temporan Kapitan Biolie Verdadero isang minero na kinilalang si Dondon ang nagreport sa kanya na may mga minero umanong na-trap sa 70 metrong lalim ng tunnel sa nasabing lugar.

Ang impormante lamang ang nakaligtas makaraang gumuho ang nasabing minahan alas 2:30 kahapon ng hapon.

Agad namang humingi ng saklolo ang biktima sa mga residente malapit sa nasabing tunnel.

Makalipas ang tatlong oras ay narating ng mga rescue team ang lugar at nakuha ang isa sa mga bangkay ng biktima na n- trapped sa loob ng tunnel.

Samantala, nagpasya ang mga 505 Disaster Rescue and Emergency Management (DREAM) na pinamumunuan ni Marlon Ceballos na pansamantalang ihinto ang nasabing retrieval operation ng anim pangmga bangkay ito dahil sa kawalan ng bentilador.

Malaki ang paniniwala ni Celaballos na posibleng ang kemikal na nagmumula sa deposito ng methane ang nagging sanhi ng agarang kamatayan ngmga na-trapped na minero. Rhoderick Benez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento