(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2013)
---Patay ang isang 50-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang
kainuman sa Ma. Clara Extension, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00
ng gabi kamakalawa.
Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang biktima na si Primo Calamagan, may asawa at residente ng
nabanggit na lugar.
Habang kinilala naman ang suspek na si Ramil
Mandil, 30-anyos at residente din ng nasabing lugar.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat,
nag-iinuman umano ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa
humantong sa pananaksak ni Mandil kay Calamagan gamit ang kutsilyo.
Sa tiyan napuruhan ang biktima na naging
dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Samantala sa isinagawang pursuit operation
ng Kabacan PNP, makalipas ang apat na oras ay naaresto ang suspek na tumakas sa
Barangay Paatan.
Naihanda na rin ng Kabacan PNP ang kaukulang
kaso laban sa suspek, at ngayong araw ay isasampa na ito.
Sa ngayon nakapiit ang suspek sa Kabacan
lock-up cell. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento