(Carmen, North Cotabato/
November 11, 2013) ---Ipinagdiriwang ng mga lumad sa Barangay Bentangan, Carmen,
North Cotabato ang masaganang ani ng mga ito at biyayang natanggap sa Poong
Maykapal.
Nanguna sa nasabing
kapiestahan ang Aromanon-Manuvu, isa sa mga tribo sa Mindanao na nagsasagawa ng
‘Samayaan’, isang ispiritwal na seremonya bilang bahagi ng masaganang ani.
Bukod dito, nag-alay din
ng panalangin ang nasabing tribu para sa magandang pagtanim.
Sa nasabing barangay
kasi, makikita ang maraming tribu ng Aromanon-Manuvu na nagsasagawa ng festival
kagaya ng “Pamaya”, “Bulangan” at “Ulahingan”.
Ang nasabing festival ay
kinatatampukan ng iba’t-ibang sayaw sa saliw ng musika.
Kabilang sa tribung
sinasayaw ng mga ito ay ang tinatawag na
“Pamikar”, “Pamendita”, “Hari”
at “Aglukuvan”.
Nagsasagawa din ang mga
ito ng ‘Kalong’ o ang tinatawag na the war dance.
Kabilang sa mga ritwal
na ginagawa ng mga ito ay ang sabong ng pula at puting tandang.
Naniniwala din umano
angmga Aromanon-Manuvu na may kasaganaan kapag ang putting manok ang mananalo
sa nasabing sabong habang kasalatan naman kapag ang pulang manok ang mananalo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento