Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

City Health Office ng Kidapawan, nakapagtala ng 53 kaso ng pulmonya

(Kidapawan City/ November 13, 2013) ---Abot sa 53 kaso ng pulmonya ang naitala ng City Health Office ng Kidapawan noong nakaraang buwan.
Ito batay sa mga datos mula sa iba’t-ibang ospital sa lungsod ng Kidapawan na nalikom ng CHO.

Bukod sa pulmonya, kabilang sa mga naitalang sakit ay ang: acute gastroenteritis with moderate dehydration, Lower respiratory infection, hypertension, Urinary Track Infection, Acute gastritis, Systemic Viral Infection, Dengue, Acute Bacteremia at Sepsis neoratorum.
Ayon sa World Health Organization, kinikilalang numero unong silent killer na sakit ng mga bata sa buong mundo ang pulmonya.

Ang pulmonya ay isang naiiwasan at nagagamot) na sakit. Ito ay tumutukoy sa kondisyon na may impeksyon sa baga o parte ng respiratory system na dala ng bacteria, virus, fungi o parasites o pagpasok ng tinatawag na irritants sa baga tulad ng kemikal, pagkain o alikabok na siyang nagigiging dahilan ng pamamaga ng sistemang ito. Rhoderick Benez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento