(Amas, Kidapawan City/ November 15, 2013)
---Tatlo ka tao ang pormal nang nasampahan ng kaso sa paglabag ng COMELEC
election gun ban sa North Cotabato sa katatapos lamang na implemtasyon kahapon (November 12, 2013).
Ito batay sa tala na ipinalabas ng North
Cotabato Police Provincial Office.
Kinumpirma rin CPPO Operations Head Senior
Inspector Noel Kinazo na pawang mga sibilyan ang mga nahuling violator mula sa
President Roxas, Makilala at Kabacan.
Ang mga suspek ay nahuli sa pagpapaputok at
pagdadala ng baril.
Ayon kay Kinazo bagama’t tapos na ang
election gun ban, mananatili ang kanilang maigting ng surveillance upang mahuli
ang mga indibidwal na nagdadala ng mga hindi lisensyadong armas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento