(Kabacan, North Cotabato/ November 11, 2013) ---Magpupulong ang ilang mga concerned citizen ng Kabacan kasama ang himpilan ng DXVL FM para sa ilulunsad na “Oplan Yolanda, Operation Ahon” para sa mga kababayang sinalanta ng tinaguriang Super Typhoon Yolanda.
Pangungunahan ng ilang mga indibidwal sa Kabacan ang nasabing inisyatibo na naglalayong matulungan ang mga kababayan sa Tacloban, Samar, Capiz, Aklan at sa ilan pangmga lugar na malubhang napinsala ng Bagyong Yolanda.
Patuloy ngayon ang panawagan ni Bibo Alcala kasama ang grupo nito sa iba’t-ibat ibang sector ng Kabacan na magbigay ng tulong na maaring I drop sa DXVL FM o di kaya sa JRS Express Kabacan.
Para sa karagdagang impormasyon tumawag o mag text sa 0921.438.6566 o di kaya sa mga taga-Kabacan dumalo sa gagawing pagpupulong alas 7:00 mamayang gabi sa kanilang bahay sa 3rd Block, Villanueva Subd., Kabacan, Cotabato.
Nananawagan din ito sa lahat ng departamento sa bawat kolehiyo sa USM, mga organisasyon, clubs, mga negosyante sa Kabacan, mga fraternity at sorority, religious group sa Kabacan na kumilos para sa isahang tulong na i-ambag ng Kabacan katuwang ang Pamahalaang Lokal. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Oplan Yolanda, ilulunsad ng DXVL kaagapay ang ilang mga concerned citizen ng Kabacan
Linggo, Nobyembre 10, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento