Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oplan Yolanda, operation Ahon Caravan, isinagawa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2013) ---Patuloy na ngayon ang pagtanggap ng donasyon ng “Oplan Yolanda, Operation Ahon” na inorganisa ng ilang mga concerned citizen ng Kabacan kasama ang DXVL bilang tulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa kabisayaan.
Kaugnay nito sinabi ni Bibo Alcala, isa sa mga kasapi ng grupo ang nagsagawa ng caravan noong Miyerkules (Nobyembre a-13) para tumanggap ng anumang donasyon.

Kabilang sa mga lugar na kanilang inikot ay ang Barangay Osias, Bonifacio St., Malvar St., Roxas, Quirino, Zamora at sa lahat ngmga lugar na nasasakupan ng Poblacion, ito para makolekta ang lahat ng mga donasyon para sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda.

Kaugnay nito sa mga barangay naman na nais magbigay ng tulong maari ring tawagan o itext si Bibo Alcala 0921.438.6566 para makuha ang inyung mga tulong.

Aniya, higit na kailangan kasi ng mga biktima ngayon ang pagkain at tubig na maiinom, gamot, tolda para pansamantalang masisilungan at mga damit.

May ilan na ring mga indibidual na naghatid na ng kanilang tulong sa DXVL Radyo ng Bayan na nakatakdang ilalagak sa command center sa National Highway ng “Oplan Yolanda, Operation Ahon”.

Marami na ring organisasyon, grupo ang nagpahayag na rin ng kanilang pagkabahala para tutulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Hinikaya’t rin ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. ang ilan pang mga business sector, grupo, mga eskwelahan na makibahagi din sa nasabing operation kasabay ng pagpapalabas ng assistance ng LGU para pantulong sa mga naging biktima ng kalamidad sa kabisayaan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento