Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang tubong Kabacan, North Cotabato kasama sa apat na mga dinukot ng mga armadong refugee’s sa bansang Kenya

(Kabacan, North Cotabato/July 1, 2012) ----

Isa pang bangkay natagpuan sa oil palm plantation ngayong umaga sa Brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/June 26, 2012) ----Isa na namang bangkay ang natagpuan ng mga residente ng Purok Namnama, Brgy Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 10:00 kaninang umaga, di kalayuan sa lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ni Tatugan Kadil kagabi.

Ayon kay PCI Tirso Pascual ng Kabacan PNP nakita ang bangkay malapit sa ilog ng nasabing brgy. partikular sa Pamplona oil palm plantation.

Lalaki na pinaniniwalaang binaril; natagpuang patay sa tabi ng ilog na nasa oil palm plantation sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/June 26, 2012) ---Bulagta at nakahandusay ang bangkay ng isang lalaki ng matagpuan sa oil palm plantation na nasa tabi ng ilog sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:25 kagabi.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP agad na kinilala ng kanyang kamag-anak ang biktima na si Tatugan Kadil, nasa tamang edad, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Chrislam 1 ng nabanggit na lugar.

Subscriber ng Northwest Cable TV, umalma matapos singilin sa pay per view sa nagdaang laban ni Pacquiao; pamunuan ng nasabing Cable Network nagpaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Nagtaka ang mga subscribers ng Northwest Cable TV Network ng singilin sila ng nasabing cable service provider ng dagdag na P50.00 para sa kanilang pay per view sa nagdaang laban ni Manny Pacquiao.

Isa na dito si Ginoong Francisco Garcia na residente ng Brgy. Osias, Kabacan makaraang wala naman umanong abiso ang nasabing cable network na magdadagdag sila ng singil sa nasabing laban, lalo pa’t apat ang cable line nito.

Tubig na nag-baback-flow sa ilang mga residente sa Purok, Masagana, Pobalacion, Kabacan; nirereklamo ng mga residente

(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Niluluto na ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang inilatag nilang solusyon sa matagal ng nirereklamong tubig baha na umaapaw sa mga residente ng Purok Masagana, Poblacion, Kabacan.

Ito ang tugon ng engineering office ng LGU, matapos na ireklamo ito ng mga residente sa lugar ang pag-back-flow ng tubig na galing sa irigasyon papunta sa mga pamamahay ng nabanggit na residente.

(Update) KFR malayong dahilan sa panibagong pagdukot sa isang dalagita sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Malaki ang paniniwala ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya na hindi kidnap for Ransom ang panibagong insedente ng kidnapping na naganap sa Brgy. Pagangan 2 sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kahapon.

Batay sa report ni 6th Division Public affairs chief Col. Prudencio Asto, kinilala ang biktima na si Angeline Ferenal, 17 at residente ng nabanggit na lugar kungsaan naglalakad umano si Ferenal papunta ng eskwelahan ng dukutin ng dalawang mga armadong kalalakihan at dinala sa bahagi ng Brgy. Lagundi, Pikit, Cotabato.

Agriculture facility hiniling ng mga magsasaka sa Carmen, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/June 26, 2012) ---Hiniling ng Nagkakaisang Samahan ng mga Magsasaka ng MalMar o NAGKASAMMA sa Department of Agriculture na kung maari ay mabigyan sila ng isang multi- purpose pavement.

Ipinaabot ng natukoy na farmers’s association ang kanilang kahilingan noong June 19 ng taong kasalukuyan kung saan matatandaang pinangunahan ni DA Sec. Alcala ang inagurasyon ng dalawang irrigation projects sa Pikit, North Cotabato, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

17-anyos na dalagita kinidnap sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Isang 17-anyos na dalagita ang dinukot ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Pagangan 2 sa bayan ng Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kanina.

Mga Rubber tapper sa North Cotabato; nagsagawa ng kilos protesta hinggil sa pagbulusok sa presyo ng goma


(Makilala, North Cotabato/June 25, 2012) ---Daan-daang mga rubber tappers mula sa North Cotabato ang nagtipon sa harap ng Makilala hall sa bayan ng Makilala upang hingin sa pamahalaang lokal na mamagitan sa diumano’y pagbulusok ng presyo ng goma. 

Ang mga nagsagawa ng kilos protesta ay mga kasapi ng Free rubber Tappers Association na binuo nitong taong 2009.

Most Wanted Person sa bayan ng Carmen, arestado ng pinagsanib na pwersa ng Carmen at Libungan PNP

(Carmen, North Cotabato/June 25, 2012) ---Arestado ng pinagsanib na operasyon ng Carmen PNP na pinamumunuan ni PCI Jordine Maribojo at PCI Junggaya ng Libungan PNP ang pinaniniwalaang most wanted na personasahe sa bayan ng Carmen.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Virgilio Dumaboc, 65, residente ng Kibudtungan ng nabanggit na bayan na na timbog sa nasabing operasyon ala 1:10 ng hapon nitong Sabado sa Brgy. Dimapaco sa bayan ng Libungan.

Panibagong motorcycle theft; naitala ng Kabacan PNP; driver muntik ng mabaril

(Kabacan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga armadong kalalakihan ang isang motorsiklo sa bahagi ng brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ng gabi nitong Sabado
.
Batay sa report ng Kabacan PNP minamaneho ni Emer-Ji Cosmiano, 18 residente ng nabanggit na lugar ang isang kulay itim na XRM na motorsiklo na may plate no. 6595-OJ kasama ang sakay nitong nakilalang si Dave Bornia ng parahin ng mga armadong suspek ang mga ito habang binabaybay ang Brgy. Dagupan road partikular sa Purok Chrislam.

Panibagong motorcycle theft; naitala ng Kabacan PNP; driver muntik ng mabaril


(Kabacan, North Cotabato/June 25, 2012) ---Tinangay ng tatlong mga armadong kalalakihan ang isang motorsiklo sa bahagi ng brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ng gabi nitong Sabado.

Batay sa report ng Kabacan PNP minamaneho ni Emer-Ji Cosmiano, 18 residente ng nabanggit na lugar ang isang kulay itim na XRM na motorsiklo na may plate no. 6595-OJ kasama ang sakay nitong nakilalang si Dave Bornia ng parahin ng mga armadong suspek ang mga ito habang binabaybay ang Brgy. Dagupan road partikular sa Purok Chrislam.