(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Niluluto
na ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang inilatag nilang solusyon sa
matagal ng nirereklamong tubig baha na umaapaw sa mga residente ng Purok
Masagana, Poblacion, Kabacan.
Ito ang tugon ng engineering office ng LGU,
matapos na ireklamo ito ng mga residente sa lugar ang pag-back-flow ng tubig na
galing sa irigasyon papunta sa mga pamamahay ng nabanggit na residente.
Ayon sa report, kahit na di umuulan basta’t
magpapakawala ng tubig ang irigasyon tiyak anyang babahain ang nasabing lugar.
Kaya nais ng mga residente na maisaayos ang
nasabing kanal dahil perwisyo na para sa mga residente ang pag-apaw ng tubig
baha sa kanilang lugar, partikular na sa mga estudyanteng nakatira sa Purok
Masagana.
Ang reklamo ay ipinarating na rin ng mga
residente sa pamahalaang lokal ng Kabacan at sa SB Kabacan, ayon kay Samuel
Dapon ang Presidente ng Purok Masagana.
Sinabi naman ni Vice Mayor Pol Dulay na
bibigyan nila ng agarang aksiyon ang nasabing reklamo na ayon sa report ay noon
pang bago ang election nila pinoproblema. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento