(Aleosan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Malaki
ang paniniwala ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya na hindi kidnap for Ransom ang
panibagong insedente ng kidnapping na naganap sa Brgy. Pagangan 2 sa bayan ng
Aleosan, North Cotabato alas 7:00 ng umaga kahapon.
Batay sa report ni 6th Division
Public affairs chief Col. Prudencio Asto, kinilala ang biktima na si Angeline
Ferenal, 17 at residente ng nabanggit na lugar kungsaan naglalakad umano si Ferenal
papunta ng eskwelahan ng dukutin ng dalawang mga armadong kalalakihan at dinala
sa bahagi ng Brgy. Lagundi, Pikit, Cotabato.
Agad namang, ikinasa ng 40IB, 6IB, Philippine
Army kasama ang mga elemento ng Aleosan PNP ang hot pursuit operation.
Sa ngayon ayon kay Cabaya, patuloy ang
ginagawa nilang negosasyon sa mga posibleng salarin na pinagdalhan ng biktima.
Sinabi pa ng alkalde na mahirap umano ang
pamilya ng dalagita at hindi kidnap for ramsom ang motibo ng mga salarin.
Isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga ito
ay ang alitan o personal grudge, bago kasi nangyari ang insedente ay dinukot
din ang kambal ng dalaga subalit nakawala sa kamay ng kanyang mga abductors.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento