Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki na pinaniniwalaang binaril; natagpuang patay sa tabi ng ilog na nasa oil palm plantation sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/June 26, 2012) ---Bulagta at nakahandusay ang bangkay ng isang lalaki ng matagpuan sa oil palm plantation na nasa tabi ng ilog sa brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato alas 6:25 kagabi.


Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP agad na kinilala ng kanyang kamag-anak ang biktima na si Tatugan Kadil, nasa tamang edad, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Chrislam 1 ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report ni Brgy. Dagupan Kapitan Raymundo Garcia, isa umanong farm maintenance ni Dr. Pablito Pamplona ang nakakita sa nasabing bangkay sa mismong oil palm plantation na tinatrabahuan nito.

Nanguna sa isinagawang imbestigasyon si PCI Tirso Pascual ng Kabacan PNP kungsaan nabatid na ang biktima ay nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa katawan na nagresulta sa agara nitong kamatayan.

Wala umanong saplot sa ibaba ang biktima ng matagpuang nakadapa ito.

Walang namang anumang ebedensiya na narekober sa crime scene, ayon sa report.

Sa ngayon ay kinuha na ng kanyang kamag-anak ang biktima at inilibang batay sa kaugalian ng mga Muslim.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa totoong motibo sa pagbaril sa biktima. (with reports from SP01 Kenneth Garbin/Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento