Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Subscriber ng Northwest Cable TV, umalma matapos singilin sa pay per view sa nagdaang laban ni Pacquiao; pamunuan ng nasabing Cable Network nagpaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/June 26, 2012) ---Nagtaka ang mga subscribers ng Northwest Cable TV Network ng singilin sila ng nasabing cable service provider ng dagdag na P50.00 para sa kanilang pay per view sa nagdaang laban ni Manny Pacquiao.


Isa na dito si Ginoong Francisco Garcia na residente ng Brgy. Osias, Kabacan makaraang wala naman umanong abiso ang nasabing cable network na magdadagdag sila ng singil sa nasabing laban, lalo pa’t apat ang cable line nito.

Ibig sabihin, bukod sa 350 pesos bawat cable line na binabayaran kada buwan, madadagdagan ito ng dalawang daang piso ngayong buwan ito dahil sa pay per view sa nagdaang Pacquiao-Bradley fight.

Sa panayam ng DXVL news kay NCTVN head operator Nelson Ruel Catamco, ang dagdag singil ay ipinatupad nila makaraang nagbayad umano sila sa Solar Sports ng abot sa P80,000.00 dahilan para ipatong nila ang nasabing charge sa mga subscribers.

Giit pa nito na ang nasabing charge ay mas mura kumpara sa ilang mga cable provider sa Socsargen na abot sa P600-650 ang pay per view.

Pero sa kabila nito, patuloy pa rin silang nirereklamo ng mga cable subscriber. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento