Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Agriculture facility hiniling ng mga magsasaka sa Carmen, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/June 26, 2012) ---Hiniling ng Nagkakaisang Samahan ng mga Magsasaka ng MalMar o NAGKASAMMA sa Department of Agriculture na kung maari ay mabigyan sila ng isang multi- purpose pavement.


Ipinaabot ng natukoy na farmers’s association ang kanilang kahilingan noong June 19 ng taong kasalukuyan kung saan matatandaang pinangunahan ni DA Sec. Alcala ang inagurasyon ng dalawang irrigation projects sa Pikit, North Cotabato, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Sa sulat na ipinadala ni NAGKASAMMA President Nasser Ali, magiging malaking tulong umano ang nasabing multi- purpose pavement sa panahon ng ani.

Gagawan naman ng endorsement ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang nasabing kahilingan ng mga magsasaka upang ma-aksyunan ng Department of Agriculture.

Ang Nagkakaisang Samahan ng mga Magsasaka ng MalMar ay nakabase sa Sitio Lanitap, Brgy. General Luna, Carmen, North Cotabato.

Kaugnay nito ay natanggap na rin ng mga magsasaka sa lugar ang abot sa P31 Milyon mula sa gobyerno bilang kabayaran sa naapektuhang submerged area ng kasalukuyang implementasyon ng Malitubog- Maridagao Irrigation Project. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento