Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Balitang pagpanaw ni Kato, pinasinungalingan ng MILF

Kung si Moro Islamic Liberation Front o MILF Spokesperson Von Alhaq ang tatanungin, wala umanong katotohanan ang napabalitang pagpanaw ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Chairman Ustadz Ameril Umbra Kato.

Taliwas ito sa report na lumalabas na sinabi umano ni Vice Chairman for Political Affairs Gadzali Jaffar na patay na ang nasabing lider.

Ayon kay Al Haq, posibleng analysis lamang umano ni Jaffar ang ipinalabas nitong report dahil kahapon nagsagawa ng 7th Day Kanduli sa loob mismo ng Camp Omar, Talayan, Maguindanao, kasama ang buong pamilya ni Kato at mga opisyal ng BIFM subalit wala umano doon si Kato dahilan kung bakit sinabi nitong pumanaw na ang nasabing lider.

Giit naman ng opisyal na wala pa silang kumpirmasyon sa pagkamatay ni Kato pero kung meyron man ay dapat na may makukuha silang ebedensiya.

PAGSULONG NG PANUKALANG BATAS PARA SA MGA BAKWIT, ININDORSO SA SANGGUNIANG BAYAN NG KABACAN

Inindorso kanina sa Sangguniang Bayan Regular Session ang IDP Act of 2011 o Internally Displacement Act of 2011.

Isinusulong ito ng Balay Rehabilitation Center, Inc. sa tulong ng United Nations Higher Connission for Refugees (UNHCR).

Ayon pa kay Balay Rehabilitation Ceter Budget officer Glenn Larol, umaasa silang ang panukalang batas na ito  ay susuportahan ng Local Government Unit ng Kabacan.

Ang IDP Bill ay isang panukalang batas para mapangalagaan at maprotektahan ang mga IDPs o bakwit. Ito rin ay naglalayon ng mahinto o maibsan ang mga pangyayari na nagdudulot ng paglikas ng mga tao o komunidad.

6 katao, pinawalang sala ng hukom sa Kabacan, Cotabato

Pinawalang sala ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial Court Branch 22, Kabacan, Cotabato nitong Martes, ang anim na nasasakdal sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Kinilala ang anim na sina JoeL Dar, Edgar Buday, Edison Cariño, Zacaria Sindao at Niño Largao ay pinaniniwalaang nahuli ng pulis dahil sa magkakahiwalay na kaso ng paggamit at pagbebenta ng droga.

Ang anim na nasasakdal ay pinawalang sala ni Judge Alzate sa kadahilanang hindi pagtupad sa chain of custody rule, inconsistent testimonies at illegal arrest.

Division-wide Student Leadership Training, ginaganap ngayong araw sa Libungan, North Cotabato

Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang tatlong araw na Supreme Student Leadership Training sa Libungan National High School sa bayan ng Libungan, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Education Program Supervisor Alfredo Sagucom layunin ng programang ito ang pagsasanay sa mga mag-aaral ng high school na maging responsibleng pinuno at madebelop ang kanilang kakayahan sa larangan ng pamumuno bilang mga lider sa susunod na henerasyon.

Ang division-wide Student Leadership Training na ito ay nilahukan ng pitumpong mga National High Schools mula sa mga munisipyo sa lalawigan ng North Cotabato.

Ang leadership training na ito ay programa ng CHED-National Office, at
inaasahang magtatapos bukas, December 3, 2011.


Kaso ng HIV sda Rehiyon Dose, nakakaalarma

Koronadal City, Dec22011 (PIA) – Sa ginawang Human-Immuno Deficiency Virus (HIV) Forum dito sa Lungsod ng Koronadal noong Nobyembre a-28, 2011, inihayag ni Dr. Mely Lastimoso na nakaka-alarma na umano ang mga kaso ng HIV sa Rehiyon Dose.

Ayon kay Lastimoso, siya ay kasalukuyang nagmo-monitor sa mahigit 30 pasyenteng may sakit na HIV sa kanyang klinika sa Lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay Lastimoso, karamihan umano sa kanayang mga pasyente na mayrong sakit na HIV ay nagmula sa professional sector. Pito umano dito ay registered nurse, isang guro, isang maybahay, mangingisda at drayber ng “habal-habal” o motorsiklo. 

Base sa mga health records sa kanyang klinika, lima umano sa mga pasyente ni Lastimoso ay mula sa lalawigan ng South Cotabato. 

Bilang nag-iisang Social Hygiene Clinic Physician (SHCP) sa buong rehiyon, pinaalalahanan ni Lastimoso ang lahat lalo na ang mga estudyante na mag-ingat at maging responsableng mamamayan upang maiwasan ang pagkalat pa ng nakakamamatay na sakit. 

Short film Festival, masasaksihan na

Masasaksihan na ng lahat ang inaabangang Lantaw 2011, “Digital Short Film Festival” dito sa pamantasan sa darating na Desyembre a – 6-8 2011 sa Café Martina (USM) , alas 4 ng hapon. 

Mababalitaang ang Lantaw festival ang kauna unahang digital short film festival sa probinsya ng Cotabato na nagsimula noong nakaraang taon . Ang Lantaw 2011 ay katatampukan ng dalawang pelikula- ang “ LILIM” sa direksyon ni Abdulmojaimen K. Talib ng CBDEM at “PANGARAP” sa direksyon ni Claribel Amor Maguate ng CAS. 

May halagang tatlumpong piso ang admission fee sa short film festival na ito para mapanood ang dalawang kalahok na pelikula , kabilang ang Best Short Film ng naturang patimpalak noong nakaraang taon na humakot ng 11 awards . Ito’y pinamagatang “ The THeif” sa direkson ni Abdulmojaimen K. Talib.

Layunin ng Lantaw Festival, na bigyan ng tiyansa ang mga aspiring film makers dito sa pamantasan na ipakita ang kani kanilang galing sa paggawa ng mga de kalidad na pelikula at hasain ang kanilang kakayanan sa larangang ito. Inorganisa ng Department of English Language and Literatur , USM English Club at AB English Society ang naturang Short film festival na ito.


33rd CAS day, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng buong Department of Development Communication, sa pangunguna ni Department of Development Communication Chairperson at over-all Coordinator Prof. Althea Garcia ang pagiging host sa darating na  33rd CAS Day na gaganapin ngayong December 12, araw ng Lunes, taong kasalukuyan.

Highlight ng nabanggit na selebrasyon ang Mascarade, Concert for a Cause, at Cas Got Talent na ibinatay pa sa Pilipinas Got Talent.

Inaasahang magiging resource person ng naturang aktibidad si Philippine Information Agency XII Chief Danilo E. Doguiles. Matatandaang, si Mr. Doguiles ay isa ring  produkto ng CAS na  naging saksi  sa pagbuo at tagumpay ng College of Arts and Sciences.

Tema ng 33rd CAS Day ang “ Tuwid na Landas: the CAS Way” kung saan nakapaloob dito ang mithiing magkaroon ng tamang pamamalakad ang gobyerno at daan  na walang kurapsyon, anomalya, awayang pampulilika at problemang pang-akademiko. 

Kalabaw sa Pikit North Cotabato ninakaw

Ninakaw ang isang kalabaw na pagmamay-ari ng isang Ardon Andong, nasa tamang edad, magsasaka at residente ng Batulawan Pikit North Cotabato.

ayon sa report ng Pikit PNP ninakaw ang nasabing babaeng kalabaw bandang ala-una ng hapon noong Sabado.

iniwan lamang daw di-umano ng biktima ang kanyang alaga at pagbalik nito ay wala na ito.

pinag-iingat naman ng Pikit PNP sa pamumuno ni P/Ins Joan Resurection ang mga mamamayan na huwag basta bastang iwan ang mga gamit o alaga na walang bantay dahil umaatake na na naman ang mga magnanakaw.

Skills enhancement training, opisyal nang nagtapos

Idineklara na ni DSWD Project Development Officer II Engr. Suharto Bationg na nagtapos na nga ang humigit kumulang dalawang buwang skills enhancement training na dinaluhan ng iba’t- ibang asosasyong nagmula sa mga bayang nasasakop ng unang distrito ng North Cotabato.

Sa pagtatala ng congressional district office at DSWD XII, abot sa 34 na SEA-K Associations ang sumailalim sa natukoy na pagsasanay.

Tinuruan ang mga participants kung paano pamahalaan ang kanilang mga pinaplanung negosyo na popondohan sa pamamagitan ng capital seed fund.

Kaugnay nito, naipamahagi na sa pitong SEA- K associations ang kanilang seed funds na nagkakahalaga ng 150 thousand sa bawat asosasyon.

Nakatakda ring ipamahagi ngayong Disyembre 2011 at January 2012 ang tulong pangkabuhayan sa second and third batch of SEA- K associations. Kinakailangan pa umanong matapos ang pagproseso ng karampatang SEA K documents.

Ang community- based basic business management and skills enhancement training ay isa sa major requirements ng DSWD, DTI at tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Susing Sacdalan upang opisyal na mabigyan ng financial loan assistance ang mga lihitimong asosasyon. (with reports from Balong Bautista)

Pilgrimage isinagawa para gunitain ang ika-40 araw ng kamatayan ni Father Pops

NAG-PILGRIMAGE noong lingo (Nobyembre 27, 2011) sa bayan ng Arakan, North ang mahigit 200 mga parokyano at mga miyembro ng progresibo at militanteng grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Ito ay bahagi rin ng paggunita nila sa ika-apatnapung araw ng kamatayan ni Father Pops Tentorio.
Nanguna sa pilgrimage ang Justice for Pops Movement, Idol ko si Pops, at mga human rights group na nakabase sa Kidapawan City at Davao City.
Ang pilgrimage, ayon sa grupo, ay bahagi pa rin ng build-up activity nila para isulong ang pakikibaka nila sa pagkakamit ng hustisya sa naging kamatayan ng Italyanong misyonero.
SAMANTALA, naglabas din ng statement ang National Democratic Front o NDF Mindanao kaugnay ng ika-apatnapung araw ng kamatayan ni Tentorio.
      

DXVL (The Morning News)                                                                                             November 28. 2011

Tree growing ng MINDAnow ilulunsad ngayong araw sa Kabacan, Cotabato

Pangungunahan ng Mindanao Development Authority ang paglulunsad ng “MindaNOW” o “Nurtuting Our Waters Program” na isasagawa sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato ngayong umaga.

Ayon kay Kabacan Municipal Environment and Natural Resources o MENRO Officer Jerry Laoagan di lamang basta Tree Planting ang gagawin kundi Tree growing kungsaan aalagaan ang punong itatanim hanggang sa ito ay lumaki.

Ito ay isang Mindanao-wide na programa at sa North Cotabato ang Kabacan ang sentro ng aktibidad na lalahukan mismo ng mga kinatawan mula sa Mindanao Development Authority, Provincial Government ng Cotabato, kasama rin dito si Kabacan Mayor George Tan, DENR, SUMIFRO Phil, DOLE Stanfilco, Media, USM ROTC Unit, Non-government Organization at iba pang mg alined agencies.


Layon ng programa na mapreserba ang kapaligiran na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig.

Abot sa limang libung mga seedlings ng Narra, Mahogany at Acacia ang itatanim sa sampung ektaryang lupang inihanda doon sa erya.

Sinabi pa ng opisyal na ang nasabing gawain ay sabay na isasagawa sa mga lugar ng Saranggani, Bukidnon kungsaan nandoon si Pangulong Noynoy at dito sa North Cotabato.

Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ni Laoagan sa lahat ng mga stakeholders na pangalaan ang itatanim na mga puno ngayong araw. (RB)

1 patay, 2 sugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga naglalabang commander ng MILF sa Tulunan, North Cotabato

Di na umabot ng pasko ang isang plantation worker ng RNF Industries, Inc., sa Barangay Dungos sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, nang tamaan ng bala mula sa mga naglalabang commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF noong umaga ng Sabado.

Kinilala ng Tulunan PNP ang biktima na napatay na si Benjie Guiamalel habang sugatan naman ang dalawa katao na kinilalang sina Lumin Abdul Rakmad, 27, at Sanggacala Alon, 29, kapwa residente ng Purok-12, Barangay Dungos sa bayan ng Tulunan.
       
Ayon kay Sr. Insp. Ramel Hojilla, hepe ng Tulunan PNP, nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng grupo nina Commander Bheds at Commander Wahid at Sukarno – pawang matataas na lider ng 108th Base Command ng MILF, bandang alas-530 ng umaga, noong Sabado.
       
SI COMMANDER Sukarno, ayon kay Lt. Col. Leopoldo Galon ng Eastern Mindanao Command ng 10th Infantry Division, ay dati’ng MILF commander na ngayon ay security officer na ng RNF Banana Plantation.   Nakasagupa umano nito ang tropa ni Jun Panangulon na commander ng MILF sa ilalim ng 108th Base Command.
       
Ang namatay na si Guimalel, ayon kay Col. Galon, at ang mga sugatan, ay mga tauhan ni Commander Sukarno.
       
Awayan sa lupa ang sinasabing dahilan ng bakbakan simula pa noong Nob. 22. Ang lugar na pinag-aagawan ng mga pamilya ng mga MILF commander ay nasa boundary ng Barangay Pedtad sa bayan ng General SK Pendatun sa Maguindanao at Barangay Lower Dungos sa Tulunan, North Cotabato at nasa Liguasan marsh – itinuturing na teritoryo ng MILF.

Sa pinakahuling report na nakuha ng DXVL FM, abot na lamang sa 127 na mga pamilya ang ngayo’y nakahimpil sa Municipal gymnasium, ayon kay Hojilla.

Kumakalat ng balitang pagkamatay ng BIFF lider na si Kato, pinabulaanan ng MILF

Bagama’t wala na sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front o MILF si Ustadz Ameril Umbra Kato, ang dating kumander ng 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), inihayag naman ng tagapagsalita ng MILF na si Von Alhaq na walang katotohanan ang report na patay na ang lider ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay alhaq, sa kanilang pagtatanung-tanong sa mga kamag-anak ni Kato di umano totoo ang nasabing balita pero giit ng opisyal na kumpirmadong na stroke ang nasabing lider ng BIFF.

(Al Haq 1) ang tinig ni MILF spokesman Von Alhaq

Subalit ng tanungin ng DXVL Radyo ng Bayan kung gaanu pa rin ka lakas ang pwersa ni Kato, tumanggi namang magbigay ng pahayag si Al Haq subalit aminado ang opisyal na may mga tauhan pa rin ito.

Sa hiwalay na report na nakalap ng DXVL FM, inihayag naman ni BIFF Spokesman Abu Misri Mama, na nagtataka sila kung saan nagmula ang nasabing report at hinamon pa ang nagpakalat nito na magpalabas ng mga litrato ni Kato na wala ng buhay.
Ipinaliwanag pa ni Mama na nakaranas lamang ng panghihina si Kato nang bumisita ito sa Camp Alfaro, subalit nakauwi ito ng maayos at naipagamot sa doktor.
Sa ngayon, nasa mabuting kondisyon si Kato subalit hindi inihayag ni Mama kung saan ito nagtatago.(Rhoderick Beñez)