Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 2 sugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga naglalabang commander ng MILF sa Tulunan, North Cotabato

Di na umabot ng pasko ang isang plantation worker ng RNF Industries, Inc., sa Barangay Dungos sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, nang tamaan ng bala mula sa mga naglalabang commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF noong umaga ng Sabado.

Kinilala ng Tulunan PNP ang biktima na napatay na si Benjie Guiamalel habang sugatan naman ang dalawa katao na kinilalang sina Lumin Abdul Rakmad, 27, at Sanggacala Alon, 29, kapwa residente ng Purok-12, Barangay Dungos sa bayan ng Tulunan.
       
Ayon kay Sr. Insp. Ramel Hojilla, hepe ng Tulunan PNP, nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng grupo nina Commander Bheds at Commander Wahid at Sukarno – pawang matataas na lider ng 108th Base Command ng MILF, bandang alas-530 ng umaga, noong Sabado.
       
SI COMMANDER Sukarno, ayon kay Lt. Col. Leopoldo Galon ng Eastern Mindanao Command ng 10th Infantry Division, ay dati’ng MILF commander na ngayon ay security officer na ng RNF Banana Plantation.   Nakasagupa umano nito ang tropa ni Jun Panangulon na commander ng MILF sa ilalim ng 108th Base Command.
       
Ang namatay na si Guimalel, ayon kay Col. Galon, at ang mga sugatan, ay mga tauhan ni Commander Sukarno.
       
Awayan sa lupa ang sinasabing dahilan ng bakbakan simula pa noong Nob. 22. Ang lugar na pinag-aagawan ng mga pamilya ng mga MILF commander ay nasa boundary ng Barangay Pedtad sa bayan ng General SK Pendatun sa Maguindanao at Barangay Lower Dungos sa Tulunan, North Cotabato at nasa Liguasan marsh – itinuturing na teritoryo ng MILF.

Sa pinakahuling report na nakuha ng DXVL FM, abot na lamang sa 127 na mga pamilya ang ngayo’y nakahimpil sa Municipal gymnasium, ayon kay Hojilla.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento