DXVL (The Morning News) November 28. 2011
Tree growing ng MINDAnow ilulunsad ngayong araw sa Kabacan, Cotabato
Pangungunahan ng Mindanao Development Authority ang paglulunsad ng “MindaNOW” o “Nurtuting Our Waters Program” na isasagawa sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato ngayong umaga.
Ayon kay Kabacan Municipal Environment and Natural Resources o MENRO Officer Jerry Laoagan di lamang basta Tree Planting ang gagawin kundi Tree growing kungsaan aalagaan ang punong itatanim hanggang sa ito ay lumaki.
Ito ay isang Mindanao-wide na programa at sa North Cotabato ang Kabacan ang sentro ng aktibidad na lalahukan mismo ng mga kinatawan mula sa Mindanao Development Authority, Provincial Government ng Cotabato, kasama rin dito si Kabacan Mayor George Tan, DENR, SUMIFRO Phil, DOLE Stanfilco, Media, USM ROTC Unit, Non-government Organization at iba pang mg alined agencies.
Layon ng programa na mapreserba ang kapaligiran na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig.
Abot sa limang libung mga seedlings ng Narra, Mahogany at Acacia ang itatanim sa sampung ektaryang lupang inihanda doon sa erya.
Sinabi pa ng opisyal na ang nasabing gawain ay sabay na isasagawa sa mga lugar ng Saranggani, Bukidnon kungsaan nandoon si Pangulong Noynoy at dito sa North Cotabato.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ni Laoagan sa lahat ng mga stakeholders na pangalaan ang itatanim na mga puno ngayong araw. (RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento