PAGSULONG NG PANUKALANG BATAS PARA SA MGA BAKWIT, ININDORSO SA SANGGUNIANG BAYAN NG KABACAN
Inindorso kanina sa Sangguniang Bayan Regular Session ang IDP Act of 2011 o Internally Displacement Act of 2011.
Isinusulong ito ng Balay Rehabilitation Center, Inc. sa tulong ng United Nations Higher Connission for Refugees (UNHCR).
Ayon pa kay Balay Rehabilitation Ceter Budget officer Glenn Larol, umaasa silang ang panukalang batas na ito ay susuportahan ng Local Government Unit ng Kabacan.
Ang IDP Bill ay isang panukalang batas para mapangalagaan at maprotektahan ang mga IDPs o bakwit. Ito rin ay naglalayon ng mahinto o maibsan ang mga pangyayari na nagdudulot ng paglikas ng mga tao o komunidad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento