Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Senior Citizen Federation ng Kidapawan, wala pa ring OSCA Head!


(Kidapawan City/ February 7, 2013) ---Kung mapapansin, nitong nakaraang buwan pa pinapahintay ang Pederasyon ng mga Senior Citizen dito sa lungsod ng Kidapawan ang desisyon ng Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco kung sino ang ipapalit sa nabakanteng pwesto ni Josue Lamata Sr., dating head ng Office of Senior Citizen Affairs o OSCA.

Ayon pa kay Kidapawan City Federation of Senior Citizens Association o KCFSCA President Rosita Jumawid, isa sa mga nominado sa posisyon, hanggang ngayon ay wala pa ring napili ang alkalde sa tatlong nominado para sa posisyon.

Pagpapasemento sa daanan papuntang Pisan Cave, Tuloy na tuloy na!


(Kabacan, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Tuloy na tuloy na ang pagpapasemento sa daanan patungomg Pisan Cave na matatagpuan sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato.

Nitong araw ay sinurvey ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways at ng Department of Tourism kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Officer, Jerry Laoagan ang gagawing daanan papunta sa nasabing Kuweba.

Bahay nilooban sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Nilooban ng mga di pa matukoy na salarin  ang isang bahay  kamakalawa sa Barangay Tondo, Carmen North Cotabato.

Ang bahay ay napag-alaman na pagmamay ari ng isang Elena Galve, 64y/o resident eng nabanggit na lugar.

Libung halaga ng mga gamit at cash natangay sa isang panloloob sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Nilooban ng mga di pa matukoy na salarin ang isang bahay bandang alas dos y medya ng madaling araw kanina sa Mapanao Street Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ngb ahay na si Boyet Guillermo Bel, 39-anyos residente ng nabanggit na lugar.

Sanitary Landfill sa Matalam, North Cotabato; Itatayo na


(Matalam, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Nakatakdang itayo ang sanitary landfill sa brgy. ng New Bugason sa bayan ng Matalam, North Cotabato ngayong Pebrero.

Ayon sa panayam ng DXVL News kay Matalam-Municipal Engineer Officer Aleli Arconado, naisalang na sa bidding ang nasabing proyekto na sisismulan sa Pebrero a-25 kungsaan matatapos sa loob ng 200 araw batay sa target date of accomplishment nito.

Isang Chainsaw sa Matalam, North Cotabato; Ninakaw


(Matalam, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Ninakaw ng di pa nakikilalang salarin ang isang chainsaw kahapon dakong alas 2:30 ng madaling araw sa Purok Santol Brgy. Central Malamote sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ang ninakaw na chainsaw ay pagmamay-ari ng isang Mocaliden Mamangan Dimacial, 35 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Rape suspek; arestado sa Lebak, Sultan Kudarat


(Lebak, Sultan Kudarat/ February 7, 2013) ---Arestado ng mga pulis ang 19-taong gulang na binata matapos ituro’ng responsable sa panggagahasa at pagpatay noong Martes sa dose anyos na babae sa isang barangay sa Lebak, Sultan Kudarat.
      
Kinilala ni PO1 Kristine Ivy Derecho, investigator-on-case ng Lebak PNP, ang suspect na si Jolly Ado Esparar na taga-Barangay Barurao, Lebak.
      
Batay sa testimonya ng ilang testigo, si Esparar ang huling nakita nila na kasama ng bata nang mawala ito noong Lunes.

Mga kinumpiskang peke at unregistered na mga pestisidyo at abono; iniimbestigahan na ng FPA North Cotabato


(February 7, 2013) ---Kinumpiska ng mga empleyado ng Fertilizers and Pesticide Authority o FPA ang mga unregistered na mga pestisidyo at abono sa pitong mga tindahan sa North Cotabato,

Ayon kay FPA provincial coordinator Aletha Bornea, abot sa 91 litro ng iba’t-ibang klase ng abono at pestisidyo ang nasabat ng kanyang mga tauhan sa isinagawa nilang clean-up drive simula noong nakaraangbuwan.

Sapat na Kalusugan sa Pagtatapos ng Suplemental Feeding Program sa 24 brgy; siniguro ng MSWDO-Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Tiniyak ngayon ng Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office ang sapat na kalusugan sa pagtatapos ng Suplemental Feeding Program ngayong ika 18 sa buwan ng Pebrero para sa 53 Day Care Centre sa 24 brgy sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat na ang nasabing programa ay sinimulan noong Hulyo 13 nito lamang nakaraang taon kung saan may kabuuang 120 araw o katumbas na 6 na buwan ang nasabing programa.

Kabacan Pilot Central School , kampeon sa ibat-ibang patimpalak!


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Humakot ng kampeonato ang Kabacan Pilot Central School sa ibat-ibang patimpalak na nangyari dito sa loob at labas ng bayan nito lamang mga nakaraang buwan.

Naging champion ang KPCS sa ginanap na Division Level Quiz Bee na ginanap sa Katidtuan Central School.

North Cotabato Gay Pride Festival, gaganapin sa susunod na linggo


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Gaganapin na sa susunod na linggo ang North Cotabato Gay Pride Festival sa tatlong distrito nito ng probinsya.

Ang selebrasyon ay  magsisimula mula February 13-15 2013 na sunud-sunod na mangyayari sa tatlong distrito nito.

Seminar Workshop on Micro-Biological Techniques, ginanap sa USM!


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Ginanap kanina ang Seminar Workshop on Micro-Biological Techniques bandang alas syete ng umaga sa College of Arts and Sciences Building sa USM.

Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng Department of Biological Sciences at ng mga estudyante ng 3rd year BS Biology na sinimulan pa kahapon.

Babaeng may deperensiya sa pag-iisip, nawawala at dinala sa Kabacan PNP para maproteksyonan


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Isang babae na nasa edad 25 hanggang 30 ang ang dinala kahapon ng hapon sa Kabacan Municipal Police Station upang maproteksyonan at mabigyan ng pansamantalang masisilungan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Ayon sa report, natagpuan sa bahay ng isang Ericson Tecson na residente ng Purok Sunshine, Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato.

Kawalan ng mga Pulis na nagbabantay sa Kabacan Public Market, nirereklamo


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Nirereklamo ngayon ng ilang mga negosyante sa loob ng Kabacan Public Market ang umano’y kawalan ng mga pulis na nagbabantay sa loob ng palengke.

Ayon sa isang vendor na ayaw magpabanggit ng pangalan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Wala umanong pulis na nagbabantay sa entrance and exit point partikular sa isdaan section ng palengke.

3 mga kasapi ng alagad ng batas, arestado dahil sa pagdadala ng baril sa Pikit, Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Tatlong kalalakihan ang nagpakilala na isang kasapi ng Pulisya sa North Cotabato ang  naaresto sa naging highway check sa bayan ng Pikit bandang 4:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay Chief Inspector Jordine Maribojo ng PNP Pikit bigong magpakita ng mga kaukulang dokumento ang mga ito na magpapatunay na kasapi sila ng civilian Investigative support ng Criminal Investigation and Detection Team.

Medical at Dental Mission sa Kabacan, isasagawa



(Kabacan, North cotabato/ February 5, 2013) ---Gaganapin bukas ang isang medical, dental outreach services at feeding program sa Sitio Dilutan, Brgy. Tamped, Kabacan, Cotabato partikyular sa Sitio Dilutan Primary School.

Ayon kay Nutrition Officer I Virginia P. Solomon, magdadala sila ng mga gamot, pagkain, at iba pang kagamitan para sa mga bata upang matulungan ang mga ito at maiwasan ang pag-absent ng mga bata sapagkat panahon ngayon ng tag-gutom.

Isang magsasaka, sugatan matapos barilin sa M’lang, North Cotabato; Lalaki sa Antipas, inaresto!



(M’lang, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Sugatan ang isang 44 anyos na magsasaka matapos barilin ng isa sa mga suspek ng nakaw-motorsiklo sa M’lang National Highway, North Cotabato dakong alas 5:45 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon kay Deputy Investigation P/Insp. Rolando Dillera, kinilala ang biktima na si Edgar Duerme Tolentino, residente ng Purok 5, Brgy. Pulang Lupa, M’lang, North Cotabato.

Lalake sugatan sa ulo, matapos mabato ng billiard ball ng isang lasing sa Carmen, North Cotabato



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Sugatan sa ulo ang isang lalaki  nitong linggo ng hapon matapos batuhin ng billiard ball ng isang lalaking lasing sa isang Billiard Hall, Sitio Kurbada , Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Zalde Gornez,34y/o magsasaka at ang nambato na si Jonathan Ybanez, isa ring magsasaka at parehong residente ng Barangay Kimadzil, Carmen.

Panibagong nakaw motorsiklo, naitala ng Carmen PNP



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Ninakaw ng mga di pa matukoy na salarin ang isang motorsiklo nitong linggo ng madaling araw sa isang tahanan sa Barangay Lanoon, Carmen, North Cotabato.

Napag alaman na ang kinawat na motorsiklo ay isang Honda XRM 125, kulay asul , may plate # na 2437MR.

Lalaking nahaharap sa kasong robbery sa Carmen, North Cotabato; arestado



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Arestado ang isang lalaki na may kasong robbery nitong linggo ng hapon sa Poblacion, Carmen,North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang inaresto na si Totong Aliman, nasa tamang edad at residente ng Purok 12, Poblacion ng nabanggit na bayan.

Barangay Treasurer na di umano pumapasok sa trabaho inireklamo sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ February 5, 2013) ---HINDI ikinaila ni Barangay Chairman Danilo Dante ng Barangay Kisante, Makilala, North Cotabato ang madalas na pag-absent ng kanyang barangay treasurer sa trabaho.

Ito ay makaraang ireklamo ng ilang residente ang delay sa pagkuha ng barangay clearance at sedula.

58-Anyos na Misis Kritikal sa Pananaksak ng kanyang Asawa sa Matalam, North Cotabato



(Matalam, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Kritikal ang isang 58 anyos na Misis matapos umano itong saksakin ng kanyang asawa noong araw ng Linggo dakong alas 8:35 ng gabi sa bayan ng Matalam, Noth Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Panchita Diaz Panoncio, maybahay at ang suspek naasawa ng biltoma na si Elpidio Panela Panoncio, 62 anyos, retired AFP na parehong residente ng Purok Anthorium sa bayan ng Matalam.

Pagdiriwang ng Arts Month sa USM, Kasadong kasado na



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Kasado na ang mga gaganaping aktibidad para sa Arts Month sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao ngayong buwan.

 Ito ay pinangungunahan ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation o ISPEAR sa nasabing pamantasan. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Celebrating Icons.”

Mga delegado ng USM para sa SCUAA national meet 2013, handang handa na



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ngmga delagado ng USM para sa State Colleges and Universities Athletic Association o SCUAA national meet 2013 na gaganapin sa Dapitan, Zamboanga City na magsisimula sa Pebrero 16.

Ayon kay ISPEAR Information In-charge, Dr, Kairhonessa Pahm limang palaro ang lalahukan ng USM kasali na ang soft ball, volley ball, Taekwondo, boxing, at athletics.

Gusot sa USM, malaki ang epekto sa economic cycle ng Kabacan



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Aminado ang punong ehekutibo ng bayan ng malaki ang naging epekto sa ekonomiya ng Kabacan kung magpapatuloy ang nangyayaring gusot sa USM.

Ito makaraang magdeklara ng suspension of classes ang pamunuan ng USM makaraang di papasukin ng mga raliyesta ang mga mag-aaral ng Pamantasan noong kasagsagan ng mga pagkilos sa loob ng Pamantasan.

Mahigit 100 motorsiklo naka-impound sa isinagawang lambat bitag ng PNP



(Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Abot sa 130 na mga motorsiklo na may paglabag sa iba’t-ibang traffic rules ang ngayon ay naka-impound sa Kabacan Municipal Police Station sa isinagawang operasyon lambat bitag.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pinaigting na checkpoints para madakip ang mga kolurom at ang mga carnap o nakaw na sasakyan.

Special MPOC meeting, ipinatawag ng alkalde ng bayan upang mag-usapan ang sitwasyon sa USM



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Humarap sa isang Special Municipal Peace and Order council Meeting kahapon  ng hapon ang representante ng mga raliyesta at ang kinatawan  naman mula sa  panig ng University of Southern Mindanao sa ipinatawag na pagpupulong ni Kabacan Mayor George Tan.

Ito para mapag-usapan ang lumalalang sitwasyon sa Unibersidad.

53-anyos na ginang; kritikal matapos pagbabarilin sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Kritikal ang 53-anyos na ginang makaraang pagbabarilin sa Kabacan Public Market alas 7:25 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PInsp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Norma Pigcaulan, negosyante at residente ng Lapu-Lapu St., Poblacion ng bayan ito.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at maswerte namang di napuruhan.

Motorsiklo, ninakaw sa Carmen, North Cotabato; driver tinutukan ng baril



(Carmen, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo sa Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato, kamalawa.

Kinilala ang may ari na si Ludegario Amoro, 54 na taong gulang at residente ng Purok 4 ng Poblacion ng nasabing lugar.

2 Lalake; Arestado sa Buybust operation ng Midsayap PNP



(Midsayap, North Cotabato/ February 4, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki makaraang mahuli dahil sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato alas 6:30 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jhonrey Ballon alyas “Jun-Jun”, 25, walang trabaho at Marvin Silvano Villar, 20, binata at kapwa residente ng Lower Cabaruyan sa bayan ng Libungan.

1 sa mga tatlong tulak droga, itinuturong suspek sa pagbaril kay VM Dulay



(Kabacan, North Cotabato/ January 4, 2013)  ---Huli ng mga otoridad ang talong tulak droga noong Huwebes ng hapon kungsaan isa dito ang itinuturong suspek sa pagbaril patay kay Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, positibong itinuro ng kanilang hawak na witness ang suspek na di pa kinilala sa report na siya umanong bumaril kay Vice Dulay noong January 11.

Ang witness ay malapit lamang sa pinangyarihan ng shooting incident, ayon pa kay Ajero.