Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Special MPOC meeting, ipinatawag ng alkalde ng bayan upang mag-usapan ang sitwasyon sa USM



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Humarap sa isang Special Municipal Peace and Order council Meeting kahapon  ng hapon ang representante ng mga raliyesta at ang kinatawan  naman mula sa  panig ng University of Southern Mindanao sa ipinatawag na pagpupulong ni Kabacan Mayor George Tan.

Ito para mapag-usapan ang lumalalang sitwasyon sa Unibersidad.

Sa nasabing pagpupulong kumakatawan sa panig ng USM sina USM Security Services and Management Bebot Moneva at Director Orlando Forro.

Inihayag ng mga ito ang sitwasyon ng USM simula ng mag-umpisa ang kilos protesta noong Enero a-katorse kungsaan patuloy pa rin na ipinapatupad ng mga ito ang maximum tolerance.

Nanguna sa nasabing MPOC meeting sina Kabacan Mayor George Tan at Acting vice Mayor Jonathan Tabara.

Una na ring binuo ng LGU ang panel na magrerepresenta sa bawat kampo na tinawag na tripartite negotiations kungsaan sa kampo ng mga raliyesta dinaluhan ito ni Mr. William dela Torre ng Coalition for Transparency & Good Governance at mga students lider na sina USG-Senate Pres Kathleen Costes at Kabataan Partylist Spokesperson Darwin Rey Morante.

Bagama’t hindi pa tuluyang natuldukan sa nasabing pag-uusap ang gusot sa Pamantasan.

Iginigiit naman ng Council ang isang resolusyon para ma-fast track o magpapabilis sa mga dokumentong inihain ng mga raliyesta sa Ombudsman Mindanao hinggil sa mga akusasyon isinampa ng mga ito kontra kay USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije.

Una dito, dapat ay mabigyan din ng kopya ang council ng bilang ng mga kaso ng Pangulo at kung sinu ang nagsampa ng kaso.

Inihayag ng mga raliyesta sa harap ng mga kasapi ng MPOC na nag-ugat ang nasabing rally sa mga anomalyang kinasasangkutan ng Pangulo sa pagbili ng sasakyan na furtuner, X-ray Machine, pag-purchase ng Camera at Pistol at iba pa, ito ayon sa estudyanteng lider na si Costes.

Pero sa kabila ng negosasyon, sinabi ng mga raliyesta na hindi sila titigil hangga’t di nila mapapababa sa pwesto ang Pangulo.

Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na kapwa gagalangin ng bawat isa ang karapatan ng mga raliyesta na magsagawa ng kilos protesta at wag ding pagkakaitan ng karapan ang mga estudyanteng makapasok sa USM na makapag-aral at wag ng isara muli o iparalisa ang operasyon na USM na kapwa, sinang-ayunan ng bawat kampo.

Kahapon ng umaga, nagsagawa ng motorcade ang mga raliyesta kasama ang mga tricycles sa loob ng USM at sa mga pangunahing kalye ng Poblacion Kabacan, ito para pakikipag-isa nila para sa pagkalampag sa administrasyon.

Nagsagawa din ang ilang mga estudyanteng raliyesta ng candle lighting sa lugar ng kanilang pinagdarausan ng kilos protesta kagabi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento