Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sanitary Landfill sa Matalam, North Cotabato; Itatayo na


(Matalam, North Cotabato/ February 7, 2013) ---Nakatakdang itayo ang sanitary landfill sa brgy. ng New Bugason sa bayan ng Matalam, North Cotabato ngayong Pebrero.

Ayon sa panayam ng DXVL News kay Matalam-Municipal Engineer Officer Aleli Arconado, naisalang na sa bidding ang nasabing proyekto na sisismulan sa Pebrero a-25 kungsaan matatapos sa loob ng 200 araw batay sa target date of accomplishment nito.


Abot sa P6M, ang inilaang budget, ayon kay Arconado.

Anya, kasali rin sa nasabing proyekto ang contraction of Material Resource Facility (MRF), perimeter fence, access road at water supply sa naturang lugar.

Dagdag pa ng opisyal, na ang nasabing budget na naturang proyekto ay galing mismo sa 20% Annual Investment Plan ng departamento from 2010-2013.

Ang itatayong establisyemento ay proyekto na nagmula sa Municipal Engineering Office ng Matalam sa pangunguna ni Engr. Orlando M. Versola. Randy Yap, DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento