(February 7, 2013) ---Kinumpiska ng mga empleyado
ng Fertilizers and Pesticide Authority o FPA ang mga unregistered na mga
pestisidyo at abono sa pitong mga tindahan sa North Cotabato,
Ayon kay FPA provincial coordinator Aletha
Bornea, abot sa 91 litro ng iba’t-ibang klase ng abono at pestisidyo ang
nasabat ng kanyang mga tauhan sa isinagawa nilang clean-up drive simula noong
nakaraangbuwan.
Kabilang sa mga kinumpiska nila’ng foliar
fertilizer ang Apex Crop Booster; Field Grow; Crop Booster; Inducer Miracle;
Growth Hormone; at isang pestisidyo na ang brand name ay Insecticide.
Ang naturang mga brand ng abono at pestisidyo ay
hindi naka-rehistro sa FPA, makikita ang mga tindahang ito sa mga bayan ng
Libungan, Midsayap, Pikit, Matalam, at Kidapawan City.
Ayon sa report, dalawang mga magsasaka ang
lumapit sa opisina ni Bornea upang i-report ang umano’y pagbili nila ng mga
pekeng corn seeds. Kinilala ni Bornea ang mga ito na sina Alberto Liboon at
Romeo Casonete na pawang taga-Pikit, North Cotabato.
Reklamo ng dalawa, abot sa 65 sako ng mga pekeng
corn seeds na may tatak pa raw PR seed.com na tila orihinal ang kanilang
nabili, pero no’ng itanim nila ay di naman tumubo.
Naka-impound ngayon sa opisina ng FPA ang mga
nakumpiskang mga abono at pestisidyo habang inihahanda na ang mga kasong
kriminal kontra sa mga may-ari ng naturang mga tindahan. Batay sa Presidential
Decree 1144, papatawan ng penalidad ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng
unregistered o pekeng nga abono at pestisidyo.
Kaugnay nito, mas pinaigting nila ngayon ang
clean-up drive at imbestigasyon sa mga tindahang nagtitinda ng mga pekeng
agricultural supply.
Layon ng ahensiya na linisin ang mga
agricultural supply store mula sa mga hindi naka-rehistrong abono at pestisidyo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento