(M’lang,
North Cotabato/ February 5, 2013) ---Sugatan ang isang 44 anyos na magsasaka
matapos barilin ng isa sa mga suspek ng nakaw-motorsiklo sa M’lang National
Highway, North Cotabato dakong alas 5:45 ng umaga nitong Biyernes.
Ayon
kay Deputy Investigation P/Insp. Rolando Dillera, kinilala ang biktima na si
Edgar Duerme Tolentino, residente ng Purok 5, Brgy. Pulang Lupa, M’lang, North
Cotabato.
Nagtamo
ng sugat ang biktima sa kanyang ulo at agad naman itong isinugod sa M’lang
Doctors Hospital upang mabigyan ng agarang lunas.
Ayon
sa report ng M’lang PNP, bigla na lamang hinarang ang biktima ng limang hindi
kilalang tao habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo sa Purok Uno ng
nabanggit na lugar.
Inutusan
umano siyang tumigil at bumaba sa kanyang motorsiklo pero nang hindi niya ito
sinunod ay bigla siyang binaril ng isa sa mga suspek. Nang inakala ng mga
suspek na patay na ang biktima ay dali-daling tinangay ng mga suspek ang
motorsiklong kulay asul na Kawasaki Baja ng biktima at agad tumungo sa hindi
matukoy na direksyon.
Dagdag
pa ni Dillera, nakilala ng biktima ang isa sa mga suspek nang ipakita ng mga
otoridad ang mga larawan ng mga most wanted criminals ng North Cotabato.
Samantala,
hindi naman ito pinangalanan ng pulisya habang patuloy pa ang imbestigasyon. Ayon
sa report, si Tolentino ang tiyuhin ng pinatay na public school teacher nitong
nakaraang dalawang linggo sa bayan ng M’lang ng mga suspetyadong
riding-in-tandem.
Samatala,
sa Antipas, North Cotabato naman ay inaresto ang isang Allan Carcillar Pedroso,
akusado sa kasong pagnanakaw at residente ng Brgy. Dolores, Antipas dakong alas
4 ng hapon nitong Biyernes.
Ayon
kay Antipas COP Felix Fornan, ang nabanggit na suspek ay naaresto sa bisa ng
warrant of arrest na ipinalabas noong 2012 ni Judge Arvin Balagot ng Regional
Trial Court Branch 17. Debby Piñero,
DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento