Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Pilot Central School , kampeon sa ibat-ibang patimpalak!


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Humakot ng kampeonato ang Kabacan Pilot Central School sa ibat-ibang patimpalak na nangyari dito sa loob at labas ng bayan nito lamang mga nakaraang buwan.

Naging champion ang KPCS sa ginanap na Division Level Quiz Bee na ginanap sa Katidtuan Central School.


Champion din ang iskwelahan sa Zone, Municipal at Division  Readathon Contest on Individual reading (English) na ipinalo ni Bianca Daniella Padillo Cacpal,  kasama ang kanyang coach na si Mam Veronica Mangoba at nakuha din  ng iskwelahan  ang 2nd place sa team reading Filipino at 3rd place sa English team reading kasama ang mga coach na sila Mam Rosemarie Zarza, Mary Ann Maldecir at Norlie Bantilan.

Sa Regional Press Conference, hindi rin nagpatalo ang KPCS na  nagkaroon ng  national qualifier na si Ysser Feb Salbalon sa Editorial Cartooning. 4th ruuner up naman ang iskwelahan sa  regional radio broadcasting na kung saan nakuha ni Angel Barrachael Guzman ang Best Anchor at Hadrin Justin Mazo ang Best News Presentor mga kapwa  mag-aaral ng iskwelahan.

Dagdag pa rito, nitong araw lang nagpadala na ng national competitors at delegates ang iskwelahan sa gaganapin na National Science Children Interactive Workshop  sa Baguio City.

Bukod sa mga patimpalak, ipinagmamalaki din ng iskwelahan ang pagkakaroon nila ng Scholar na si Leene Kaye Alucilja na maswerteng nakapasa sa katatapos lang na Philippine Science High School Search of Scholars .

Sa ngayon, isa ng Accredited Public Level II at School Based Management Level III ang Kabacan Pilot central School ayon sa evaluation Committee ng Department of Education. Very High Academic Standing naman ang  estado ng edukasyon sa iskewlahan. Ito ayon kay KPCS-Principal I Anne Martinez Roliga. (Chriss Corpuz, DXVL NEWS!)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento