Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update 3) 2 mga missing sa tumaob na Bangka sa Pulangi river, narekober na


(Kabacan, North Cotabato/ September 7, 2012) ---Narekober na ng mga rescue team ang dalawang missing sa tumaob na bangka sa Pulangi river kamakalawa ng umaga sa brgy. Tamped, Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil nakita ang bangkay ni Maryjane Abarca na nakahimpil sa riverbank ng Ugalingan at Tamped na nasa boundary ng Kabacan at Carmen.

Negosyante, patay sa riding in tandem sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/September 6, 2012) ---Hold-up ang isa sa mga anggulong tinitingnang motibo ng mga kapulisan sa pagbaril patay sa isang 51-anyos na negosyante sa Rizal St., National Highway, Poblacion, Kabacan, particular sa harap ng simbahan ng Mormon’s alas 7:30 kaninang umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Filomeno Albutra, Jr., 57-anyos, negosyante at residente ng Zamora St., Poblacion ng bayang ito.

(Update 2) Search and retrieval sa 2 nawawalang pasahero ng lumubog na bangka sa Tamped river magpapatuloy ngayong araw; MDRRMC nangangambang baka patay na ang mga ito

(Kabacan, North Cotabato/September 6, 2012) ---Sumampa na sa lima katao ang namatay sa pagkakalunod ng bangka sa Pulangi river na nasa Sitio PTC, brgy. Tamped, Kabacan, Cotabato alas 5:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay Kabacan Incident Quick Response Team Leader Latip Akmad, tatlo sa mga namatay ay na rekober na habang dalawa dito ang hindi pa nakita at hanggang sa mga oras na ito ay missing pa.

Kinilala ng MDRRMC Kabacan na pinamumunuan ni Director Cedric Mantawil ang mga bangkay na narekober na sina: Lilibeth Mandayas 42 residente ng Brgy Libpas, Pres. Roxas, Cotabato; patay rin ng matagpuan ang mag-amang sina Bobong Marabe, 43 at ang anak nitong si Bobs Marabe, 9 residente ng New Village, Poblacion, Carmen, Cotabato.

Bahay tinupok ng apoy sa Kidapawan city


(Kidapawan City/September 5, 2012) ---Isang bahay ang tinupok ng apoy sa Sitio Guadalupe, Barangay Singao sa lungsod ng Kidapawan bandang alas syete kwarenta y singko ng umaga kahapon.

Ang tahanan ay pag-aari ni Adriano Sumampong, isang empleyado ng Hall of Justice ng lungsod
Ayon kay Ermelita Palapas, isa sa mga kasambahay ng biktima, sinabi niya’ng may narinig siya’ng pagsabog mula sa kwarto ng amo bago nagsimula ang sunog.

(Update) 1 kumpirmadong patay habang 2 missing ng malunod bangkang sinasakyan ng mga estudyante sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/September 5, 2012) ---Patay na ng matagpuan ang isang 44-anyos na ginang habang 2 pa ang missing na nakasama sa nalunod na Bangka sa Pulangi river partikular na sa Brgy. Tamped, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kaninang umaga.

Ayon kay Brgy. Tamped Kapitan Daniel Saliling, lulan umano ng nasabing pumpboat ang 18 katao karamihan mga mag-aaral ng Tamped Elementary School at lalahok sana sa Math Oliampiad dito sa USM Annex subali’t isang malaking Bangka ang nag-overtake sa kanila na naging dahilan ng pagkakalikha ng malaking alon.

Mga estudyante nalunod sa Bangka sa Kabacan?


(Kabacan, North Cotabato/September 5, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang search and rescue operation ng kabacan MSWDO at ng kabacan Pnp para alamin at kumpirmahin ang napabalitang diumano’y nalunod na mga estudyante sa sinasakyang Bangka ngayong umaga lamang.

2 katao huli sa operasyon ng Kabacan PNP kontra illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Arestado ng mga otoridad ang dalawa katao sa kanilang magkahiwalay na operasyon kontra illegal gambling partikular na ang illegal number games na mas kilala sa tawag na “last two” sa Pobalacion, Kabacan nitong linggo ng umaga.

Nanguna sa pag-aresto si P/Inps. Tirso Pascual sa ilalim ng supervision ni P/Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng Kabacan PNP sa mga suspek na sina Trisha Gasciano Soriano, 24, dalaga at residente ng Parang, Maguindanao na pansamantalang nanunuluyan sa Malvar St., at ang isa pa na nakilalang si Analea Subillaga Reyno, 35, single at residente ng Aglipay St.

City Tourism ng Kidapawan patay matapos pagbabarilin


(Kidapawan City/September 4, 2012) ---Patay ang City Tourism Officer ng Kidapawan City makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang sakay ng tricycle at binabaybay ang National highway sa Poblacion ng Kidapawan alas 9:15 kaninang umaga.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Marie Fe Sison Geronga-Pame na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan dibdib at likod.

Dahilan kung bakit pinuputol ang ilang mga puno ng kahoy sa loob ng USM Main campus; ipinaliwanag


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Nilinaw ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM na may kaukulang permit ang pamumutol ng kahoy sa loob ng USM Main campus, batay sa papeles na pinanghahawakan ni Business Development Center Director Ariel Garcia buhat sa DENR na nakabase sa Midsayap.

Naging kontrobersiyal ang pamumutol ng kahoy sa loob ng campus, ito dahil sa nirereklamo ng ilan ang nararamdamang init.

Paliwanag ng opisyal, na napakadilim ng loob ng campus ng USM noon ng di pa nila pinutol ang sanga ng mga puno ng kahoy.

Apo ng founder ng USM top 4 sa katatapos na LEV; USM may 17 bagong mga Veterinarians


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Isang malaking karangalan hindi lamang sa College of Veterinary Medicine kundi maging sa University of Southern Mindanao matapos na mamayagpag sa top 4 ang isang graduate ng USM sa katatapos na Licensure examinations for veterinarians.

Kinilala ni Review Coordinator at Class adviser Dr. Lilian Lumbao ang 4th Placer na si Dr. Julius Czar Moreno Bayan, apo ng nagtatag ng USM na si Haj Bai Fatima Matabai Plang.

USM Pres. Dr. Jess Derije, pinasinungalingan ang mga alegasyon kontra sa kanya; mga akusasyon sa pamamalakad sa USm, sinagot


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Matapos na kumalat ang mga open letters at iba pang akusasyon kontra kay University of Southern Mindanao President Dr. Jess Antonio Derije, agad na nagpatawag ng isang diyalogo ang Pangulo para direktang sagutin ang mga alegasyon kontra sa kanya.

Kaugnay nito, hinamon din ng opisyal ang mga nag-aakusang lumabag siya sa ilang probisyon ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act na direktang isumite sa kanyang tanggapan ang anumang mga reklamo.

Bahay sa Kidapawan City, tinupok ng apoy; libu-libong halaga ng mga ari-arian, naabo


(Kidapawan City/September 4, 2012) ---Tinaya sa tatlong daang libong piso ang halaga ng mga kagamitang naabo matapos masunog ang isang bahay sa corner ng Quirino Drive at Lopez street sa Kidapawan City, pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Lando Santos, empleyado ng Kidapawan District School.

Monthly financial statement ng USM; ipapaskil sa administration building –ayon kay USM Pres


(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2012) ---Ipinag-utos ngayon ni USM President Dr. Jess Antonio Derije ang pagpapaskil ng monthly financial statement ng University of Southern Mindanao, ito para makita ng lahat ng mga kawani at mga estudyante ng Pamantasan kung papaanu ang paggasta ng pera ng USM.

Ginawa ng Pangulo ng Pamantasan ang pahayag sa isang diyalogo kaninang umaga sa USM gymnasium sa harap ng faculty and staff kasama na ang mga estudyante, ito makaraang samu’t saring alegasyon ang ipinupukol ng ilang mga kritiko ng Pangulo laban sa kanya, bukod pa sa mga kumakalat na open letters.

Kabacan PNP may bago ng chief of Police


(Kabacan, North Cotabato/September 3, 2012) ---Pormal ng umupo bilang bagong Chief of Police si Supt. Leo Ajero nitong Sabado matapos ang turn-over ng katungkulan nito bilang hepe ng Kabacan PNP.

Si Ajero ang pumalit sa posisyon ni Supt. Raul Supiter na nagsilbi sa bayan ng Kabacan ng apat na buwan at kalahati matapos ang deriktiba ng Provincial Office na mag-aaral ito sa Metro Manila.

Kung matatandaan, pinalitan ni Supiter ang dating hepe na si Supt. Joseph Semillano noong Abril 16, 2012 na ngayon ay denistino bilang bagong Chief of Police ng bayan ng Midsayap.

Contingent ng Midsayap, kampeon sa Street Dancing ng Kalivungan Festival 2012


(Amas, Kidapawan City/September 3, 2012) ---Naiuwi ng grupong Sagsak ng Lunayan, Midsayap, North Cotabato ang kampeonato sa Showdown at Streetdancing competition na isa sa mga highlight ng Culmination program ng Kalivungan Festival 2012 at 98th Founding anniversary ng probinsiya ng North Cotabato.

First Runner up naman ditto ang tribung  Maguindanao ng Malamote, Kabacan, kungsaan naging makulay ang presentasyon ng mga ito makaraang itinampok ng mga ito ang kakaibang sayaw at pananamit ng tribung Maguindanaoan.

Bangkay ng dating councilor ng bayan ng Magpet, nakitang palutang-lutang sa ilog na nasa bayan ng Pikit


(Pikit, North Cotabato/September 3, 2012) ---Nakitang palutang lutang ang bangkay ng pinaniniwalaang nawawalang treasure hunter sa ilog na nasa bayan ng Pikit, North Cotabato nitong Sabado.

Ayon kay head Public Affairs Army’s 6th Infantry Division Col. Prudencio Asto na narekober ng kanilang tropa sa Rio Grande de Mindanao ang bangkay na katawan ni Eddie Jesus Apostol, dating municipal councilor ng bayan ng Magpet, North Cotabato.