(USM, Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Matapos
na kumalat ang mga open letters at iba pang akusasyon kontra kay University of
Southern Mindanao President Dr. Jess Antonio Derije, agad na nagpatawag ng
isang diyalogo ang Pangulo para direktang sagutin ang mga alegasyon kontra sa
kanya.
Kaugnay nito, hinamon din ng opisyal ang mga
nag-aakusang lumabag siya sa ilang probisyon ng Republic Act 9184 o Government
Procurement Reform Act na direktang isumite sa kanyang tanggapan ang anumang
mga reklamo.
Iniisa-isa din nito kungsaan kumukuha ng pondo ang USM
at paanu at saan din ito ginagasta.
Aniya, nagsimula ang mga alegasyon sa ipinakalat na mga
‘open letter’ ng ilang guro ukol sa mga umano, anomalya sa iba’t-ibang transakyon
na ginawa ng presidente.
Di raw nito nasagot ang mga ipinupukol na reklamo dahil
hindi direktang inireklamo ng mga guro ang akusasyon sa kanya.
Maging ang himpilang DXVL ay nakatanggap rin ng nasabing
mga kumakalat na sulat, pero dir in pinatulan ng istasyong ito dahil walang
signatories at walang pormal na reklamo na bagay namang di agad natugunan ng
kasalukuyang administrasyon.
Gayunman, ipinakita pa rin ng presidente ang ilan sa mga
dokumentong nagpapatunay na legal ang kanyang mga transakyon, kasama na dito
ang permit hinggil sa pamumutol ng kahoy sa loob ng USm Main Campus.
Iginiit din niya’ng nakasaad sa batas ang lahat ng
kanyang mga aksyon ukol sa pamamalakad ng unibersidad.
Bumwelta rin ang opisyal sa mga kritiko nito, partikular
na sa mga kumikwestyon sa kanya na gawing legal ang kanilang mga reklamo upang
masagot din niya sa tamang paraan ang mga alegasyon.
Ang diyalogo ay nagtapos ng lampas sa tanghali kungsaan
na tugunan ang ilang mga reklamo at hinaing sa mapayapang paraan.
Sa kabila nito, hinikaya’t pa rin ng opisyal na alagaan,
mahalin at patatagin ang USM, na siyang pinagkukunan ng maraming ikinabubuhay
ng mga empleyado nito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento