(Kidapawan City/September 4, 2012) ---Patay
ang City Tourism Officer ng Kidapawan City makaraang pagbabarilin ng di pa
nakilalang suspek habang sakay ng tricycle at binabaybay ang National highway
sa Poblacion ng Kidapawan alas 9:15 kaninang umaga.
Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si
Marie Fe Sison Geronga-Pame na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan dibdib at
likod.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa
Kidapawan city Hospital subalit ilang minute lamang ang nakalipas ay binawian
na rin ito ng buhay.
Agad namang inatasan ni Kidapawan City Mayor
Rodolfo Gantuangco ang mga otoridad na tugisin ang mga responsable sa pagpatay
sa biktima.
Ayon sa mga nakasaksi, sakay umano sa kulay
pulang motorsiklo ang mga riding in tandem sa mga suspek na walang plate number,
kungsaan ang mga suspek ay nag-aabang na sa labas ng bahay ng biktima sa Sandaw
Homes Phase 1 sa Poblacion ng Kidapawan City.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin
matapos ang nasabing insedente sa di malamang direksiyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento