(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2014)
---Umalma ang ilang mga motorista sa Kabacan hinggil sa panibagong ipinapatupad
na ordinansa hinggil sa color coding.
Ito ang reaksiyon ng ilang mga motorista na
nakapanayam ng DXVL News.
Anila, dagdag pasanin na naman ito para sa
kanila dahil abot sa P5,000-P7,000 ang pagpapapintura ng kulang orange o kahel
sa kanilang tricycle.
Kaugnay nito, sa hiwalay na panayam ng DXVL
News kay Chief Traffic Unit ng LGU Kabacan Retired Col. Antonio Peralta na
striktong ipapatupad nila sa Unang linggo ng buwan ang color coding.
Napagkasunduan din nila sa PNP Kabacan ang
pagbabantay sa USM Avenue na ang Kabacan PNP na ang magbabantay kapag gabi at
kung wala na ang traffic enforcer sa Kabacan para tiyakin ang Oneway ng
nasabing daanan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento