(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2014)
---Arestado ang isang 38-anyos na ginang matapos ang tangkang pagpupuslit nito
ng illegal drugs sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa
Amas, Kidapawan city kahapon.
Kinilala ang suspek na si Sumbra Akmad Uray,
38, magsasaka at residente ng Barangay Kitulaan, Carmen, North Cotabato.
Batay sa report, lulan umano si Uray ng
tricycle sa pagpunta nito sa nasabing BJMP dala ng mga basket na puno ng itlog
na kanya umanong ibibigay sa kanyang kamag-anak na nasa bilangguan na si Farida
Tanggok.
Pero ng siyasatin ang nasabing basket doon
nakita ang mga sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o mas
kilala sa tawag na shabu.
Ang suspek ay agad na inilagay sa kutodiya
ng BJMP.
Ito na ang ikatlong babaeng bisita na
nahuling nagdadala ng ipinagbabawal na droga sa BJMP hinggil sa paglabag sa RA
9464. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento