Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Industrial Crops Development Program, Isinusulong ng OPA

By: Ruel L. Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ September 29, 2014) ---Bilang bahagi ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan ng 20,400 piraso ng budded rubber seedlings ang Office of the Provincial Agriculturist para sa 51 farmer beneficiaries sa Aleosan, Cotabato. 

Sa pamamgitan nito, inaasahang lalawak pa ang lupaing matatamnan ng rubber at tataas pa ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan na makapagbibigay ng susutainable income sa mga magsasaka.


Ang mga rubber seedlings na naipamahagi ay patuloy na imomonitor ng mga technicians ng OPA upang siguradong mabubuhay ang mga ito at pagkatapos ng isang taon ay ivavalidate ang survival rate ng seedlings na itinanim. Kung umabot sa 75% ang survival rate ay wala nang babayaran sa halaga ng seedlings ang farmer beneficiary.

Ang Rubber Development Program ay mahalagang component ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka ng goma sa lalawigan ng Cotabato.

Sa kabilang dako, nakapamahagi naman kamakailan (9/24/14) ng 15,000 pcs. ng hito fingerlings ang OPA Fisheries Division para sa 25 fisherfolk na mula sa mga bayan ng Mlang, Magpet, Tulunan, Aleosan, Kidapawan City at Pigcawayan. Ito ay kaugnay ng Aquaculture Development program ng Pamahalaang panlalawigan upang makapagbigay ng dekalidad na fingerlings ng hito.

Layon ng programa na maiangat ang produksiyon ng hito sa lalawigan upang mapunan ang kakulangan sa protina sa mga rural communities sa pamamagitan ng fish protein.


Kasabay ng hito fingerlings distribution ang pagbibigay ng kaukulang technical assistance sa acclimatization, wastong pagpapakain at tamang stocking density ng hito sa fish pond. Inaasahang makakadagdag ito ng kita sa mga fish pond operators sa lalawigan. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento