Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gov. Mendoza, suportado ang mga programa ng USM, mananatiling loyal partner ng pamantasan

By: Ma. Cristine Castronuevo Limos

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Iginiit ni Cotabato Gov. Emmylou Lala TaliƱo Mendoza na patuloy nitong suportahan ang pagpapalakas ng unibersidad sa larangan ng de kalildad na edukasyon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa harap ng mga key officials ng USM, retirees, alumni, bisita, mga guro at libu-libung mag-aaral ng USM sa isinagawang convocation program sa USM quadrangle, USM compound, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa talumpati ng gobernadora sinabi nito na siya at ang kanyang mga kasama sa gobyerno ay mananatiling loyal partner ng USM.


Pinasalamatan din ng opisyal ang mga member ng board of regents, si USM President Francisco Gil N.Garcia, USG President Jacklyn Ann D. Garcia, President USM Alumni Association Hon. Consuelo A. Tagaro sa pagbabalik ng academic excellence, dynamic industry, transparent leadership at dedicated faculty and staff.

Hinimok din ni Mendoza na magkaisa ang lahat dahil pawis, luha at dugo ang naging puhunan upang makamit ng USM ang animnaput dalawang taon.

Sinabi din ni Mendoza na naglaan din ito ng milyung halaga ng budget para sa USM sa taong 2014 at inihayag din nito ang karagdagang budget sa taong 2015 na labinlimang milyong piso at flood control budget.

Binigyang diin din ni Mendoza sa kanyang talumpati ang tema ng anibersaryo na USM @ 62: Gearing Up Towards ASEAN Economic Integration na dapat maging handa ang mga mag-aaral ng USM dahil ang mga ito ang susunod na leader at maging competitive sa ibang institusyon, maging papagbantay sa iniisip, maingat sa pananalita at maging responsible sa mga aksyon upang makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap. VC: Gov. Lala 2


0 comments:

Mag-post ng isang Komento