(Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Abot
na sa lima ang bilang ng mga nasawi dahil sa measles habang 117 naman na kaso
nito ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay disease surveillance coordinator
Honey Joy Cabellon na ang mga namatay sa tigdas ay buhat sa barangay Pisan,
Nangaan at Kilagasan.
Aminado naman ang pamunuan ng RHU Kabacan na
karamihan sa mga nasawi ay hindi nabigyan ng bakuna laban sa nasabing sakit.
Sa kabila ng mataas na kaso ng measles sa
ilang mga barangay ng Kabacan, wala pang deklarasyon ng outbreak sa lugar.
Napag-alaman pa na ang brgy. Pisan ang may
pinakamataas na kaso ng tigdas ang na monitor na may 34 na kaso, sinusundan ito
ng brgy. Simone na may 17, Kayaga-12.
Kaugnay nito, hinikaya’t naman ni Cabellon
ang mga nanay na dalhin ang kanilang mga anak sa mga vaccination post o
pinakamalapit na RHU sa inyung barangay para magpabakuna.
Sa measles dapat magpabakuna ang 9-59 na
buwan, habang 0-59 months naman para sa polio, kungsaan libre ito, dagdag pa ni
Cabellon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento