(Maguindanao/ October 1, 2014) ---Hindi na
nirespeto ng mga suspek ang kasagraduhan ng simbahan makaraang pagbabarilin ng
mga ito hanggang sa mapatay ang dalawang sundalo sa harap ng simbahan sa Datu
Piang, Maguindanao alas 9:00 ng umaga kahapon.
Ayon sa ulat ni PInps. Ronald Cuntong, hepe
ng Pulisya sa lugar na kinilala ang mga biktima na sina PFC Rex Limpahan at PFC
Edward Baes kapwa mga elemento ng 62nd Division Recon Company na nakabase sa
Brgy. Damablas, Datu Piang.
Batay sa inisyal na ulat na palabas ng
simbahan ang dalawang sundalo matapos na magsindi ng Kandila ng paulanan ng
bala ng mga armadong kalalakihan.
Multiple gunshot wound ang natamo ng mga
napaslang na mga sundalo dagdag pa ni Cuntong
Sinamahan lamang ni PFC Baes si PFC Lampihan
na nooy nagdiriwang ng kanyang ika 23rd na kaarawan.
Mariin namang kinokondena ng pamunuan ng 6th
ID ang ginawang pagpaslang sa mga bagitong sundalo
Wala umanong kalaban laban ang mga ito dahil
sa naka atheletic attire lamang giit pa ni 6th ID Spokesman Col Dickson
Hermoso. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento