Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 Katao, sugatan sa pagsabog ng granada sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2015) ---Sugatan ang lima katao sa panghahagis ng granada sa panulukan ng Malvar Street at Rizal Street National Highway sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga bikitma na sina: Berlie Baluyot, 46 taong gulang, may asawa, residente ng Doña Aurora Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang binti; Rosalie Pareñas, 36 taong gulang, residente ng Brgy Bannawag, Kabacan na tinamaan sa kanyang ulo; John Clark Mantilla Opena, 13 taong gulang residente ng Roxas Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang paa; Gerardo Ombrete Moya, 48 taong gulang, may asawa, residente ng Maria Clara Street, Poblacion Kabacan na tinaamaan sa kanyang kanang dibdib at si Johainna Pops Suelo Alon, 17 taong gulang, residente ng Quirino street, Poblacion Kabacan.

Soccer player ng USM-KCC, nasa maayos ng kondisyon matapos na masangkot sa aksidente habang naglalaro sa MASTS

(North Cotabato/ November 13, 2015) --- Nasa maayos na kalagayan na ang Soccer player ng University of Southern Mindanao- Kidapawan City Campus (USM-KCC) matapos na masangkot sa aksidente habang naglalaro sa isinagawang Mindanao Association of State Tertiary Schools o MASTS sa Pagadian City sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ito ayon kay Dr. Moises Renan Sungcad, ang attending physician ng biktimang si Bhern Rhenz Tapang Tusale, 21-anyos ng Kidapawan City.

Sinabi sa DXVL News ni Sungcad na aksidenteng natamaan ng tuhod ng kalaban ang tiyan ni Tusale habang naglalaro at idenedepensa ang koponan.

One Time, Bigtime Operation; 270 motorsiklo naka-impound

(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015) ---Pinangunahan ng Cotabato Provincial Police Office kasama ang mga alagad ng PNP Midsayap ang One Time- Big Time Lambat- Sibat at operasyon kontra illegal numbers game sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Mismong si Cotabato Police Provincial Director PSUPT. Alexander Tagum ang nanguna sa operasyon ng pulisya ngayong raw.

Labing anim na suspect ang nahuli dahil sa paglabag sa RA 9287.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang iba’t- ibang gambling paraphernalia at bet money na umabot sa halagang P21, 760.

P14.6M infra at electrification projects ng PG Cot nai-turn over sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015) ---Abot sa P14.6M ang kabuuang halaga ng mga infrastructure at electrification projects ang naipamahagi sa 8 mga barangay sa Midsayap, Cotabato nitong Sabado, Nov. 7, 2015.

Kabilang sa naturang proyekto ang solar dryer na nagkakahalaga ng P300,000 para sa Barangay Nabalawag, 298-mtr barangay road concreting project  sa Barangay Lower Katingawan na nagkakahalaga ng P3M, 339-mtr barangay road concreting project sa Barangay Bagumba-P3M, covered court para sa Barangay Lagumbigan-P1.5M, Multi-Purpose Building para sa Central Labas- P600,000, Multi-Purpose Building para sa Upper Labas- P600,000, covered court para sa Barangay Upper Bulanan-P1.5M at electrification project – constructed lateral lines with 63 poles-P4.1M.

Libreng Binhi ng Palay, Ipinamahagi ng OPA Bilang Calamity Seeds Assistance

(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Upang matulungang makapagtanim muli ang mga magsasaka ng palay na nasalanta ng nakaraang kalamidad na El Niño, namahagi mula Oktubre hanggang Nobyembre 13, 2015 ang Office of the Provincial Agriculturist ng kabuuang 1,691 bags ng libreng certified palay seeds sa kaparehong bilang ng mga recipients sa buong lalawigan. 

Ang mga binhi ng palay na naipamahagi ay nagkakahalaga ng kabuuang P2.3M na may presyong P1,360 kada  sako.

MILF, mas pinaigting ang kampanya laban sa illegal na droga

(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Mas pinaigting pa ngayon ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang kanilang kampanya laban sa pagsugpo ng illegal na droga sa lugar na sakop ng Bangsamoro Region.

Ito batay sa inilabas na kalatas ng MILF kungsaan nakasaad sa nasabing resolusyon hinggil sa mahigpit na ipagbawal ang paggamit ng shabu at pagbebenta nito sa Bangsamoro areas at mga karatig na lugar. 
 
Inatasan na rin ng MILF Central Committee si MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces Chief of Staff, Sammy Al-Mansour na ipatupad ang resolusyon sa lalong madaling panahon.  

Mag-ama galing lamay patay matapos mabangga sa Dump Truck sa Sultan Kudarat

(Sultan Kudarat/ November 12, 2015) ---Pagkatapos makipag­lamay sa isang kaanak na namatay ay pinaglalamayan naman ngayon ang isang mag-ama matapos na sila ay bumangga habang sakay ng motorsiklo sa nakaparadang dump truck kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang mag-amang Dionisio P. Lacuesta, 52 at John Carlo, 17, criminology student na pawang Residente ng Purok 4, Diego Silang St.

Bilyung halaga ng proyekto, ipinamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at LGU sa Rehiyon 12

(Koronadal City/ November 12, 2015) ---Abot sa P0.538 Bilyung halaga ng mga proyekto ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at mga Local Government Units o LGUs sa Rehiyon 12 na isinagawa sa DA Regional Field Office 12 sa Regional Center, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City kahapon.

Pinangunahan mismo ni DA Secretary Proseso Alcala ang nasabing programa sa harap ng libu-libung mga magsasaka at mangingisda at mga lokal na opisyal ng Rehiyon.

42-anyos na laborer, huli sa illegal na droga sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa National Highway ng Matalam-Kidapawan road, ilang metro lamang ang layo mula sa Rotanda ng Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito ang suspek na si Antonio Vidal Villar, laborer at residente ng Brgy. Talomo, Davao City.

Nakuha mula sa kanya ang isang pirasong malaking heat sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at may street value na P6,000.

4-anyos na paslit, sugatan sa panghahagis ng granada sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Sugatan ang isang 4-anyos na bata makaraang matamaan ng pagsabog ng granada na inihagis sa harap ng Rock Oil station malapit lamang sa bagong inilagay na PNP COMPAC na nasa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Nasa maayos namang kondisyon ngayon ang biktima na menor de edad, ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa isang multicab na binabaybay ang National Highway ng mangyari ang insidente.

Residential House sa Kabacan, nasunog!

(Kabacan, North Cotabato/ November 11, 2015) ---Abot sa P15,000 ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa isang residential house na nasa Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 7:26 kagabi.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni FSI Ibrahim Guiamalon na nagsimula ang sunog alas 7:24 at tuluyan itong na fire-out alas 7:34 ng gabi.

Kinilala ang may ari ng bahay na si Rudolfo Garcia Sr.

Confirmation ni Sec Magno ng DepeD ARMM naharang

(Cotabato City/ November 11, 2015) ---Ipinagpaliban ng Autonomus Region in Muslim Mindanao o ARMM Regional Legislative Assembly ang kumpirmasyon ni ARMM-Deped Secretary John Magno.

Ito matapos na maharang ito dahil sa isinagawang hearing na itinakda ng RLA matapos na maghain ng reklamo si Marawi Schools Division Supt. Mona Macatanong.

Carnapper na tulak droga, huli ng mga otoridad sa bayan ng Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/ November 11, 2015) ---Kalaboso ang pinaghihinalaang carnapper makaraang mahuli ng mga otoridad sa inilatag na hot pursuit operation sa Brgy. Central Glad, Midsayap Cotabato pasado alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Supt. Gilberto P. Tuzon ang suspek na si Jimmy Mentaligo Sultan, 43 anyos, kasado walang trabaho at residente ng Tinululan Pikit Cotabato.

Magsasaka, panibagong biktima ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong pamamaril na naganap sa panulukan ng National Highway sa harap ng Villa Oro, Poblacion, Matalam, North Cotabato pasado alas 7:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Alehodin Mangadta, 46 anyos, magsasaka at residente ng Purok 6, Brgy. Kidama ng bayang ito.

Lalaki, kulong matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang isang 37-anyos na lalaki matapos mahulihan ng di lisensiyadong baril sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Ang suspek ay kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero hepe ng Kabacan City PNP na si Aljie Panangulon Maidu, may-asawa, na taga Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.

Nahuli ang suspek habang nakatayo sa isang establishemento sa Rizal Avenue kungsaan nakitaan ito ng baril na salukbit nito.

2015 Batang Pinoy National Championships pinaghahandaan na ng Cot Province

AMAS, Kidapawan City (Nov 9)  - Matapos sumabak sa 2015 Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa Koronadal City noong October 24-29, 2015 at masungkit ang 9 gold,15 silver at 16 bronze medals, pinaghahandaan na ngayon ng Cotabato delegation ang mas maigting na kompetisyon sa National Championships sa Cebu City sa darating na Nov. 27-Dec 2.

Ayon kay Philippine Karatedo Association 12 Regional Chairman at Karatedo Head Coach Nonoy Sedo Alejo, abot sa 60 atletang elementarya at high school ang sasabak sa National Championships ng 2015 Batang Pinoy at kasalukuyang sumasailalim sa ibayong training ang mga ito.

16 na buwan na MOOE ng Marawi City Division, hindi pa naibigay!

(Marawi City/ November 9, 2015) ---Hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ng Department of Education DepEd-ARMM ang Maintenance, Operating and Other Expenses o MOOE ng Marawi City Division sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Marawi City Schools Division Supt. Mona Macatanong kungsaan noon pang Hunyo 2014 hanggang ngayon ay ni-hold ng DepEd-ARMM ang kanilang MOOE.

Ayon kay Macatanong, walang dahilan ang ARMM-Deped na hindi nila ibigay ang MOOE ng nasabing sangay ng paaralan kasi lahat naman ng alegasyon at dahilan nila sa hindi pag-download ay natugunan naman ng Superintendent.