(Sultan Kudarat/ November 12, 2015) ---Pagkatapos
makipaglamay sa isang kaanak na namatay ay pinaglalamayan naman ngayon ang
isang mag-ama matapos na sila ay bumangga habang sakay ng motorsiklo sa
nakaparadang dump truck kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang
mag-amang Dionisio P. Lacuesta, 52 at John Carlo, 17, criminology student na
pawang Residente ng Purok 4, Diego Silang St.
Batay sa ulat, galing ang mag-ama sa burol
ng kanilang kaanak sa Sitio Lagon, Barangay Kalanawe 2.
Nagpaalam na ang mga ito sa kanilang kaanak
na uuwi at sumakay sa kanilang Bajaj 100 motorcycle.
Habang binabaybay ang kahabaan ng national
highway sa crossing ng Purok Malipayon ay bigla na lamang silang sumalpok sa
nakaparadang dump truck (GHR-460) na pagmamay-ari ni Rey Tejano residente ng
New Nongnongan Maramag Don Carlos, Bukidnon.
Sa lakas nang pagkabangga ay kapwa
tumilapon ang mag-ama at una ang ulo na bumagsak sa kalsada.
Malaki ang hinala ng pulisya na hindi
napansin ng mag-ama ang nakaparadang dump truck na posibleng madilim ang lugar.
Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng dump
truck na si Benjie T. Vergara, residente ng Kaira Don Carlos Bukidnon at
nakatakdang kasuhan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento